Talambuhay ni Gillian Paustine B. Guia
 |
| ako :( |
 |
| olei and me :) |


Ang buhay ko ay nag simula sa pagmamahalan ng aking
ina na si Mrs. Marcela Guia at ang aking
ama na si Mr. Reginald Guia. Ako ay pinanganak noong Marso 4, 1995 sa Brgy.Concepcion San Pablo City. Ako ay may
dalawang kapatid, ang aking kuya ay si
Garlan Paolo Guia, at ang aking bunsong kapatid ay si Gilbert Paul Guia.
Kami ay tatlo lang ako ang pangalawa sa
aming magkakapatid at ako ang unica hija sa amin. Ako ay maglalabing pitong
taon na sa darating na Marso. Ako ay nag aral ng Elementarya sa Concepcion
Elementary School. Doon ako nagkaroon ng maraming kaalaman at marami din mga
kaibigan. Noong ako’y kinder na alala ko, ako ay lagi pinapakanta ng aking guro
at ako ang pinanlalaban niya sa mga singing contest sa aming paaralan. At noong
ako’y magtatapos na ng kinder ako ang pinakanta ng aking guro ang saya ko ng
mga araw na un at ng aking pamilya. Nang ako’y mag grade 1 na dun lumabas ang
aking kakulitan at katigasan ng ulo. Naalala ko dati ayaw kong pumasok sa iskul
namin, dahil ako ay tinatamad ako ay napagalitan ng aking mama at ako ay
pinalo, tapos ayun pumasok na ako sabi ng mama ko papaluin pa daw ako para
pumasok. Makalipas ang ilang taon ko sa Elementarya ako ay makakatapos nadin, dahil ako ay gagraduate na ng grade 6. Ang buhay ko ay Masaya noon, pero nitong
gagraduate na ako ng grade 6 biglang naghiwalay ang mama at
papa ko, dahil sa problema na hindi nila mapagkaunawaan. Kala ko nung grade 6
ako makakasama ko ang isa sakanila pag graduate ko ayon pala hindi, Ang lungkot
dahil hindi ako sanay at ang mga kapatid ko na bunso hindi nakasama ang aming mama sa
aming bahay. Lagi ako umiiyak pag gabi at ang aking bunsong kapatid. Dahil
namimiss namin ang aming mama. Ang hirap dahil hindi pa ako marunong gumawa ng
mga gawaing bahay noon tulad ng mga paglalaba, pamamanlantsa ng damit at marami pang
iba. Naawa ako sa kapatid kong bunso nun dahil maliit pa lang siya ay hindi niya
naranasan ang pag aalaga ng isang ina. Pero habang tumatagal na hindi na namin
kasama ang aming mama sa aming bahay ay natuto na ako sa aking buhay. Dati nagalit
ako sa mama ko dahil iniwan niya kami pero nung kinausap ako ng tita ko at ng
mga taong nasa paligid ko dapat daw wag daw ako magtanim ng galit sa mama ko
dahil kung hindi daw dahil sakanya wala ako sa mundong ito kahit baligtarin pa ang mundo siya pa rin ang nanay ko, umiyak ako noon ng binigyan ako ng payo ng mga taong nasa paligid ko.
Ano pa nga ba magagawa kundi making sa mga payo nila. Makalipas ang anim na
taon ay nagpakita sa akin ang nanay ko pinuntahan niya ako sa aking paaralan
nung ako ay 3rd year. Nagulat ako sa kanya dahil hindi ko inaasahang
pupunta siya dun. Nagulat ako sa itsura
ng nanay ko dahil ang laki ng pinagbago niya, dati kase nung nasa amin siya ay
ang lusog-lusog nya at maputi, pero nung nakita ko siya nung mga araw na yun ay
nag iba na ang mama ko. Kitang kita ko sa mga mata ng mama ko na sabik siya sa
mga anak niya, nilapitan niya ako nun at niyakap at hinalikan ako ay walang reaksyon
at ako ay umiiyak lang. Ang sama ko ng
mga araw na un dahil hindi ko man lang kinausap ang mama ko , ako ay patuloy ng
umalis at lumayo sakanila habang ako ay umiiyak. Makalipas ang dalawang araw ay
narealize ko at naisip ko ang mga sinabi ng tita ko at ang mga payo sa akin ay naalala ko . Nang makita ko ulit
ang mama ko ay pinansin ko na sya at kinausap at na kwento niya sa akin na
nagkasakit daw siya at na hospital , napaiyak ako nun ng kwinento sa akin ng Mama ko, naiisip ko tuloy
nung mga araw na iyon ay dapat marunong ako mag patawad at marunong tumanggap ng
pagpapatawad, simula noon ay nagging ok na kami at ng mga kapatid ko sa aking mama
hanggang ngayon, na kahit hindi nanamin makakasama ang mama ko dito sa amin
bahay atlist ayos na kami at tanggap nanamin magkakapatid ang nangyari sa aming
buhay, dahil alam ko ayon talaga ang binigay sa amin ng panginoon. Noong Febuary
2009 ako ay inimbitahan ng tita ko na pumunta daw ako sa simbahan, nang pumunta
ako dun ay pinagpa audition ako ng tita ko para makakanta sa simbahan, matapos
ang aking audition ay natanggap agad ako. Makalipas ang ilang araw ako ay taong
simbahan narin at naglilingkod na, ako ay nakanta tuwing merong misa tuwing
weekend at dun ko nakilala ang aking mga bestf riend na si Kuya Ric at si
Nicole. At doon na buo ang pagiging magkaibigan naming tatlo.
 |
| BF |
Pag kami ay may freetime sa isa’t isa napunta kami
sa aming favorite place sa McDO. Minsan sila din ang nagbibigay sa akin ng payo
tuting ako nag kakaproblema, masaya ako pag kasama ko sila dahil nakakalimot
ako sa problema. Naalala ko nung birthday ko nung 2010 ako ay sinupresa nila
dinala nila ako sa SM at inilibre isa iyon sa pinaka-memorable noong birthday
ko. Yehey! Ako ay 4th year last year ko na sa pagiging high school
sa aming paaralan. Ako ay mahilig kumanta sa ngayon ang paborito kong kanta ay “price tag” lagi ko kasi iyon kinakanta
sa loob ng room naming, nabibingi na nga
ang aking mga classmate pag kinakanta ko iyon natatawa nalang ako.Ang saya ng
high school life ko lalo na ang pagiging 4th year ko, dahil ngayon
ko lang naranasan ang ganitong kasaya sa pagiging estudyante ko.
Nagkaroon ako ng mga kaibigan na turing ko
naring mga pangalawang kapatid at syempre adviser na mabait , bibo , masayahing
tao , na lagi nagpapaalala, hindi pabaya sa kanyang mga estudyante , nagbibigay ng mga advise
pag may nahingi sakanya ,at higit sa lahat gusto nya ay laging kompleto at
malinis sa silid aralan walang iba kundi si Mr. Elmer Caimo C. Escala ang aking
paboritong guro sa aming paaralan. Syempre hindi din mawawala ang pag kakaroon
ng mga crushes sa aming paaralan, Naalala ko nung ako au 3rd year
ako nagkaroon ako ng crush na science section, natuwa ako dahil parang
magkatugma pa ang aming pangalan siya ay Fausto ako naman ay Paustine, Ang saya
ko dahil siya yung 1st dance ko nung “JS Prom” namin kilig na kilig ako nun hindi ko alam ang aking
gagawin nung ao ay pinuntahan niya sa aking upuan, tuwang tuwa ang aking mga
kaklase dahil alam nilang gusto kong 1st dance si Fausto. Ngayong
4rthyr na ako nag karoon na ako ng manliligaw
si Kim Vanjo Malabanan, dati crush ko lang yun kasi napanood ko siya
maglaro ng basketball sa aming lugar, Naging magkatext kami ni Kim ay nahuhulog
na ang loob naming sa isa’t isa naging mag M’U na kami. Ang tagal kong
nagpaligaw sakanya siguro mga 8month’s ata yun, hinihintay ko kasi maging OK
ako at siya sa pamilya ko . After 9month’s nagging kami na Kim at sinagot ko na
siya nung December 8 ayun ok na kami sa
parehas naming pamilya at napakilala ko na kay mama ko.

Ngayon kahit gusto man naming lumabas at
gumala ay pede na kaming maging public OK lang kung may makakita sa amin legal
nanaman kami e, Masaya ako pag kasama ko siya isa siya sa mga inspirasyon ng buhay ko.Mayroon
nga pala akong mga kabarkada ditto sa amin na nagging kabarkada nadin ni kim,
Masyang mga kasama ang mga kabarkada kong yun kahit mga sura,sila lagi ang
nakakasama ko pag tambay sa burgeran lagi kami nag lalaro ng crazy eight.At
syempre may mga malalapit din naman sa akin na mga tunay kung kaibigan sa aming
paaralan at may pinaka bestfriend ako simula pa nung 3rd year walang
iba kundi si Jonna, siya ang lagi kong kasama, kahit sa pagkain at paguwi, siya
na rin ang nakakaalam ng iba kung problema sa aking buhay, minsan nag sasabi
din siya sa akin ng kanyang problema parehas lang kami nagbibigayan ng advice,
ang saya ko pag gumagawa ako ng mga kalokohan ay yung mga baliw kong kaibigan
ang kasama ko . Ang saya pala mabuhay sa mundo ng walang pinoproblema, pero
minsan ang aking buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim at minsan naman
parang gulong kung baga minsan swerte , minsan malas that’s life sabi nga ng
teacher ko. At ito ang MALUNGKOT, MAGULO at PINAKA MASAYA kong kwento marami pa
to, pero iniklian ko nalang kasi 1.500 words lang ang kailangan sa akin ni Sir
Lacsam para sa aking talambuhay, mabait kasi ako kaya ganyan lang pinagawa sa
akin ni Sir Lacsam eh hahaha , Sa lahat po ng magbabasa ng aking talambuhay
sana po ay matuwa at magustuhan niyo itong aking munting talambuhay, maraming salamat po sa inyo! At dito na po nagtatapos
ang aking MEMORABLE LIFE.
ang cute
TumugonBurahin