![]() |
| Ako ng makayapos ng elementarya. |
![]() |
| Ang tatay at kapatid ko. |
.Nang matapos na ang bahay naming makalipas lang ang ilang buwan ay nanganak na ang aking ina. Nahihirapan na ang aking ina sa pag-aalaga samin kya sinabihan siya na kung gusto niya ay kukunin ng lola ko ang kanyang unang anak para kapag nanghina sila ay may makakatulong sa kanila.Pumayag ang ina ko kaya binigay ako ng ina ko.
Nang magkaroon ng proyektong libreng paaral sa kinder pinilit ako ng lola ko na sumali pero apat na taong gulang pa lang ako. Kaya makalipas ang isang buwan ay nagsawa na akong pumasok.
![]() |
| Ako ng binyagan ako. |
Nang dumating ako sa grande 1 ang nakuha ko lamang ay best in Math kasi nag simula na akong tamadin sa pagsulat.Nang makarating ako sa ikalawang antas ng elementary a wala na akong nakuhang parangal nagkaroon pa ako ng kaso dahil sa pakikipag-away ko sa aking kaklase. Dahil nagalit ang kanyang ina dahil nasuntok ko ang kanyang mukha ay nagdugo ng maige ang kanyang ilong pero tumigil din naman.Sa awa naman ng Diyos nakapasa ako pero nang magkaroon ng vedio game samen naadik ako. Hindi na ko pumapasok at naglalaro na lang ako.ang makarating ako.
![]() |
| ako ng 1 taong gulang. |
Mas nagustuhan ko ang aking bagong kaklase sa ika limang antas ng elementary na si Aimee U. AviƱante.Nag umpisa na akong magpahanga sa kanya sa ibang bagay tulad ng bike kasi ako lang an g marunong sa aming klase mag bike.Nag simula na akong manghamon sa iba para makipag karera kaso nga lamang di ito umapekto kaya sinimulan ko ang papakitang gilas sa kanya.Naging pabaya ako sa pag-aaral at sumama ako sa kaklase ko na joker.Naging mag bestfreind kami at dinawala kahit dumating pa kami sa ikaw amin na antas sa elementary.
![]() |
| Ako at kapatid ko. |
![]() |
| Ako ng 2 taong gulang. |
![]() |
| Ang aking magulang. |
![]() |
| Ang aking paboritong palabas. |
Makalipas ang ilang lingo ay ako naman ang napa-away dahil hindi na ako makapgpigil pa dahil matagal na niya akong niloloko at sinuntok.Napikon ako at sinuntok ko siya sa mukha.Dahil sobrang laki niya ay wala akong nagawa kaya gumawa ako ng paraan para di ako matalo kumuha ako ng malaking bato at ipiltok ko ito sa kanyang likod. Sobrang lakas ang pagkakabato ko sa kanya.makalipas ang ilang segundo ay bigla na lang siyang nagsuka.Marami siyang nakain nung tanghalian nag-alala an gaming guro kong bakit kami nag aaway.Sinabi ko na matagal na akong inaaway hindi ko lang siya pinapatulan. Kinaon ng kaklase naming ang magulang ng nakaaway ko at ang lola ko.Humingi ng pasensya ang magulang ng nakaaway ko dahil siya naman ang may kasalanan.Dahil mabait naman ako kinaibigan ko siya at naging matalik na magkaibigan kami at simula noon ay d na niya ako inaaway.
![]() |
| Ako ng isat kalahating taon. |
| Ang aking unang inibig sa high school. |
Habang nag papraktis kami ay nakipag usap ang guro naming na kung pwede ay wag na siyang ilipat ng ibang iskul pero ang sabi ng Principal naming ay hindi na pwede dahil may bagong guro ng papalit na sa kanya.Pumayag ang guro naming pero humingi siya ng pabor kung pwede siyang manood ng graduation naming upang magingremembrance daw kasi kami ang kanyang huling estudyante na kanyang hinawakan.
.Ibinili ako ng ama ko ng bagong polo,pantaloon at sapatos at pag karating naming ay sinamahan ako ng aking kapatid upang mag pagupit ng buhok.Sabik na sabik na ako at saw akas ay makakaalis na ako sa elementary at papasok na ako sa High school pero may lungkot akong naramdaman dahil magkakalayo na kaming mag kakaibigan ko. pero may nagsabi saking kaklase na ayos lang kaming magkakalayo pero mananatili parin kaming magkakaibigan nawala ang aking lungkot na nararamdaman ko at napalitan ito ng saya.Ngayon ko lang nadama.habang kami ay nakanta nakita naming ang dati naming guro sa may gate.Naiyak at unti-unti ay nakadama kami ng lung kot at pagkatapos naming kumanta ay pinuntahan siya at niyakap at sinabi na mahal na maha l naming siya at nagbilin siya samin na huwag aaksayahin ang aming buhay sa mga walang saysay at itutuloy ang pag-aaral upang magkaroon ng maayus at masaganang kinabukasan. Dahil sa sinabi niya ay siya ang naaalalako kapag di ako pumapasok sa bawat subject.
Humingi kami ng tulong upang mapadali ang page enroll pag puntahan pa ako nakapag enroll.Napapunta ako sa I-L nang una di ko alam ang pupuntahan nang room dahil nasanay ako sa iisang room lang mag hapon kaya naninibago ako. makalipas lang ang ilang araw nasanay na rin ako. Kaso lang nagpalit na mga guro sa ibang klase kaya panibagong pakikisama sa mga guro.Makalipas ang ilang lingo lumabas na ang kasalawan nagsisimula ng maglagay ng chewing gum sa buhok.
![]() |
| Ang paborito kong sasakyan sa need for speed carbon. |
Nagsimula na akong magloko sa klase hindi na ako pumapasok at laging nasa computer shop mahigit limang beses akong pumasaok sa isang buwan. Minsan half day pa.Pinuntahan ako ng lola ko at binawasan ang baon ko ng 60 piso naging 30 na lamang makalipas ang isat kalahating lingo ay ginawang 50 piso na ang baon ko. Nagbago na ako dahil pinagbubuti ko na ang aking pag-aaral.
Gumawa kami ng proyekto sa Pilipino na gumawa ng isang tula o kumopya at isulat ito sa alibata.Sa una nahirapan ako pero pinilit kong matapos at nagawa ka naman ako pero tamad lang.Kaya sinisikap kong huwag maging tamad. Ako ang pangatlong nagpasa at isa ako sa nakakuha ng mataas na marka.
Nung una wala akong kaibigan pero unti-unting ako magkakaroon.Umakyat kami sa bubong ng bahay nila para kumuha ng bola dahil nawala ang bolang ginagamit naming at nakita niya na pinaltok daw ng kapatid.Halos matakot na ako dahil unti-unting ako nahulog buti na lang nakakapit ako ng mahigpit sa bubong.Na kuha naming ang bola at nakapaglarona ulit ako ng basketball.
![]() |
| Ang paborito kong palabas. |
Kukuha na kami ng unang periodical test at nadalian lang ako dahil nag-aral naman akong mabuti mabilis ko lang natapos ang test at marami akong nakuhang tama sa test natuwa ang aking lola dahil hindi na ako nag loloko sa klase at pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral.
Nang sumapit ang araw ng pagsahod ng ama ko niyaya nila ako na lumabas upang kumain.Nagpunta kami sa Jollibee at nagpakabusog tapos nagpunta kami sa Sampaloc Lake para tumambay at mamasyal.Masayang masaya ako dahil sulit ang aking pagpapagod sa klase.
Dumating na ang oras na pagtatapos ko sa unang antas ng highschool.napapunta ako sa II-L sa pangangalaga ni Mrs.Evangelista sobrang bait niya sakin kaya Masaya ako at hindi ako napapunta sa ibang section.Halos lahat ng dati kong kaklase ay kasama ko rin at ang iba ay tumaas at bumaba ng section.
Naging madali lang ang buhay ko ng second year dahil nag-aral ako ng mabuti kaya madali ko lang na sulususyonan ang aking mga problema.Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Ang pinaka making maganda sa buhay ko ay si Mrs.Ilagan dahil tinuruan niya ako ng mga magagandang asal na dapat taglayin ng isang estudyante.
Si Mrs.Nuevo parin ang aking guro sa math dahil kilala na kami ni mam sinabi samin na kung madali kaming nakapasa sa kanya noong isang taon ngayon mahihirapan kayo. Nagpasulat si mam ng review sa test sa kasamaang palad napagalitan n imam ang lahat ng kaklase ko maliban sakin dahil ako lang ang may sagot sa reviewer na pinasagutan samin.kinausap ni Mrs.Evangelista kaming lahat kung bakit naging tamad kaming mag sagot ng reviewer sa math.
Nangako ang mga kaklase naming na sasusunod sasagutin kaagad nila ang dapat sagutin sa anumang klase.Natuwa naman ang aming guro dahil hindi na kami isusumbong na di ginagawa ang mga pinasasagutan nila samin.Nagkaroon kami ng palihim na awayan sa kahati namin sa room kasi hindi sila nag lilinis tuwing umaalis sila sa aming room.Nung una sinabi naming okay mam kami nalang ang maglilinis lagi pero di parin sila natinag at sinira pa ang mga bagay na aming idinikit sa pader pati ang mga listahan ng mga top1-10 sa klase.
Ginantihan naming sila sinira din naming ang kanilang mga gamit .Pinagsabihan kami ni Mrs.Ilagan na kung ipagpapatuoy naming an gaming ginagawa ay walang katigilan ang away naming dapat magpasensya daw kami at sasabihan daw niya ang kabilang klase para di na kami mag-away. Dahil kinausap ni mam ang kabilang klase ay dina kami nag-papalitan ng masasakit na salita sa isat isa.
Nag pasalamat kami kay mam dahil natapos na ang aming away natuwa din naman si mam dahil mabait kami at mabilis naming natatandaan ang kanyang sinasabi.Sinabi nya na isa daw kami sa mga estudyante na paborito nya dahil masunurin kami sa kanya.Sinabi namin na mahal na mahal namin siya at sinabi nya na mahal din daw nya kami.
Dumating nanaman ang pinaka ayaw kong araw dahil mag hihiwalay nanaman kami ng mga guro ko at mga kaibigan ko napapunta ako sa piling ni Mrs.Brion napakabait nya at napakaganda pa san ka pa.May nakasama naman akong mga dati kong kaklase kaso nga lamang lima lang sila kami lang ang napapunta sa 4J .Masaya ang aming klase kaso lang mas madami ang masasalaw kaysa pa nung una kong mga kalase pero maasahan mo naman sila sa ibang bagay.
Madalas akong asahan ng aking mga kaklase sa math at science kasi ako lang ang mabilis na nakakakuha ng topic kasi mabagal silang makaintindi kasi puro sila lukohan sa klase.Kaya pag tinanong ni mam ay di makasagot puro lang kasi sila yabang wala namang ibubuga.Ako ang lagi nilang.Ako lang ang medyo matalino kaya sila umaasa sa amin hindi lang ako ang iba ko pang kaibigan.
Inayos ni mam ang aming upuan inilagay kami sa unahan ng kalase ko para walang mangopya sa akin.Nagalit ang iba kong kalase dahil madamot daw ako.ako pa ang naturingang madamot.Sabi ko sa kanila mag isip naman kayo puro kayo asa sa akin.
![]() |
| Ang paborito kong picture. |
Sana nasayahan kayo sa pag basa sa aking talambuhay ko .Maraming salamat po sa mga nag basa ng talam buhay ko.












Walang komento:
Mag-post ng isang Komento