Martes, Pebrero 14, 2012


   Ang buhay nag simula sa pagmamahalan ng aking ina na si Mrs. Marcela Guia at  ang aking ama na si Mr. Reginald Guia. Ako ay pinanganak noong Marso 4, 1995 sa  Brgy.Concepcion San Pablo City.Ako ay may dalawang kapatid, ang aking kuya ay si  Garlan Paolo Guia at ang aking bunsong kapatid ay si Gilbert Paul Guia. Kami ay tatlo  lang ako ang pangalawa sa aming magkakapatid at ako ang unica ija sa amin. Ako ay malalabing pitong taon na sa darating na Marso. Ako ay nag aral ng Elementarya sa Concepcion Elementary School, doon ako nagkaroon ng maraming kaalaman at marami ding mga kaibigan. Noong ako’y kinder na alala ko ako ay lagi pinapakanta ng aking guro at ako ang pinanlalaban nya sa mga singing contest sa aming paaralan, At nung ako’y gagraduate na ng kinder ako ang pinakanta ng aking guro ang saya ko ng mga araw na un at ng aking pamilya. Nang ako’y mga grade 1 na dun lumabas ang aking kakulitan at katigasan ng ulo.Naalala ko dati ayaw kong pumasok sa iskul naming dahil ako ay tinatamad ako ay napagalitan ng aking mama at ako ay pinalo, tapos ayun pumasok na ako sabi ng mama ko papaluin pa daw ako para pumasok. Makalipas ang ilang taon ko sa Elementarya ako ay makakatapos nadin dahil ako ay gagraduate na ng grade six. Ang buhay ko ay Masaya noon , pero nitong gagraduate na ako ng grade six biglang naghiwalay ang mama at papa ko, dahil sa problema na hindi nila mapagkaunawaan. Kala ko nung grade six ako makaksama ko ang isa sakanila pag graduate ko ayon pala hindi, Ang lungkot dahil hindi ako sanay at ang mga katid ko na hindi kasama ang aming mama sa aming bahay,Lagi ako umiiyak pag gabi at ang aking bunsong kapatid ko dahil namimiss namin ang aming mama. Ang hirap dahil hindi pa ako marunong gumawa ng mga gawaing bahay noon tulad ng paglalaba,pamamanlantsa ng damit at marami pang iba. Naawa ako sa kapatid kong bunso nun dahil maliit pa lang siya ay din a nya naranasan ang pag aalaga ng isang ina. Pero habang tumatagal na hindi nanamin kasama ang aming mama sa aming bahay  ay natuto na ako sa aking buhay. Dati nagalit ako sa mama ko dahil iniwan niya kami per nung kinausap ako ng tita ko at ng mga taong nasa paligid ko dapat daw wag daw ako magtanim ng galit sa mama ko dahil kung hindi daw dahil sakanya wala ako sa mundong ito  kahit baligtarin pa ang mundo sya aparin ang nanay ko, Umiyak ako nun, nang binigyan ako ng payo ng mga taong nasa paligid ko. Ano pa nga ba magagawa kundi making sa mga payo nila. Makalipas ang anim na taon ay nagpakita sa akin ang nanay ko pinuntahan niya ako sa aking paaralan nung ako ay 3rdyr, Nagulat ako sa kanya dahil hindi ko inaasahang pupunta siya dun , Nagulat ako sa itsura ng nanay ko dahil ang laki ng pinagbago niya, dati kase nung nasa amin siya ay ang lusog-lusog nya at maputi, pero nung nakita ko siya nung mga araw nay un ay nag iba na ang mama ko. Kitang kita ko sa mga mata ng mama ko na sabik siya sa mga anak niya, nilapitan niya ako nun at niyakap at hinalikan ako ay walang reaksyon at ako ay umiiyak lang, Ang sama ko ng mga araw na un dahil hindi ko man lang kinausap ang mama ko , ako ay patuloy ng umalis at lumayo sakanila habang ako ay umiiyak. Makalipas ang dalawang araw ay narealize ko at naisip ko ang mga sinabi ng tita ko at ang mga payo sa akin ay naalala ko.Nang Makita ko ulit ang mama ko ay pinansin ko na sya at kinausap at nakwento niya sa akin na nagkasakit daw siya at na hospital , napaiyak ako nun ng kwinento sa akin ng mama ko, naiisip ko tuloy nung mga araw na iyon ay dapat marunong ako magpatawad at marunong tumanggap ng pagpapatawad, simula noon ay nagging ok na kami at ng mga kapatid ko sa aking mama hanggang ngayon, Na kahit hindi nanamin makakasama ang mama ko ditto sa amin bahay atlist ayos na kami at tanggap nanamin magkakapatid ang nangyari sa aming buhay, dahil alam ko ayon talaga ang binigay sa amin ng panginoon.Nung Feb 2009 ako ay inimbitahan ng tita ko na pumunta daw ako sa simbahan, nang pumunta ako dun ay pinagpa audition ako ng tita ko para makakanta sa simbahan, matapos ang aking audition ay natanggap agad ako. Makalipas ang ilang araw ako ay taong simbahan narin at naglilingkod na, ako ay nakanta tuwing merong misa tuwing weekend, At dun ko nakilala ang aking mga bestfriend na si kua Ric at si Nicole, At doon na buo ang pagiging magkaibigan naming tatlo, Pa g kami ay may free time sa isa’t isa napunta kami sa aming favorite place sa MACDO. Minsan sila din ang nagbibigay sa akin ng payo tuting ako nag kakaproblema, Masaya ako pag kasama ko sila dahil nakakalimot ako sa problema. Naalala ko nung birthday ko nung 2010 ako ay sinupresa nila dinala nila ako sa SM at inilibre isa iyon sa pinaka memorable nung birthday ko. Yehey! Ako ay 4rthyr last year ko na sa pagiging high school sa aming paaralan.Ako ay mahilig kumanta sa ngayon ang paborito kong kanta ay price tag lagi ko kasi iyon kinakanta sa loob ng room naming, nabibingi na nga ang aking mga classmate pag kinakanta ko iyon natatawa nalang ako.Ang saya ng high school life ko lalo na ang pagiging 4thyr ko, dahil ngayon ko lang naranasan ang ganitong kasaya sa pagiging estudyante ko, Nagkaroon ako ng mga kaibigan na turing ko naring mga pangalawang kapatid at syempre adviser na mabait , bibo , masayahing tao , na lagi nagpapaalala , hindi pabaya sa kanyang mga estudyante , nag bibigay ng mga advise pag may nahingi sakanya , at higit sa lahat gusto nya ay lagging kompleto at malinis sa silid aralan walang iba kundi si Mr. Elmer Caimo C. Escala ang aking paboritong guro sa aming paaralan. Syempre hindi din mawawala ang pag kakaroon ng mga crushes sa aming paaralan, Naalala ko nung ako au 3rdyr ako nag karoon ako ng crush na science section, Natuwa ako dahil parang magkatugma pa an gaming pangalan siya ay Fausto ako naman ay Paustine, Ang saya ko dahil siya yung 1st dance ko nung JS namin kilig na kilig ako nun hindi ko alam ang aking gagawin nung ao ay pinuntahan niya sa aking upuan, tuwang tuwa ang aking mga kaklase dahil alam nilang gusto kong 1st dance si Fausto. Ngayong 4rthyr na ako nag karoon na ako ng manliligaw  si Kim Vanjo Malabanan, dati crush ko lang yun kasi napanood ko siya maglaro ng basketball sa aming lugar, Naging magkatext kami ni Kim ay nahuhulog na ang loob naming sa isa’t isa naging mag M’U na kami. Ang tagal kong nagpaligaw sakanya siguro mga 8month’s ata yun, hinihintay ko kasi maging OK ako at siya sa pamilya ko . After 9month’s nagging kami na Kim at sinagot ko na siya nung Dec 8 ayun ok na kami sa parehas naming pamilya at napakilala ko na siya sa mama ko, Ngayon kahit gusto man naming lumabas at gumala ay pede na kaming maging public OK lang kung may makakita sa amin legal nanaman kami e, Masaya ako pag kasama ko siya isa siya sa mga inspirasyon ng buhay ko.Mayroon nga pala akong mga kabarkada ditto sa amin na nagging kabarkada nadin ni kim, Masyang mga kasama ang mga kabarkada kong yun kahit mga sura,sila lagi ang nakakasama ko pag tambay sa burgeran lagi kami nag lalaro ng crazy eight.At syempre may mga malalapit din naman sa akin na mga tunay kung kaibigan sa aming paaralan at may pinaka bestfriend ako simula pa nung 3rdyr walang iba kundi si Jonna siya ang lagi kong kasama, kahit sa pagkain at paguwi, Siya narin ang nakakaalam ng iba kung problema sa aking buhay, minsan nag sasabi din siya sa akin ng kanyang problema parehas lang kami nagbibigayan ng advice, Ang saya ko pag gumagawa ako ng mga kalokohan ay yung mga baliw kong kaibigan ang kasama ko. Ang saya pala mabuhay sa mundo ng walang pinoproblema, pero minsan ang aking buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim at minsan naman parang gulong kung baga minsan swerte , minsan malas that’s life sabi nga ng teacher ko. At ito ang MALUNGKOT, MAGULO at PINAKA MASAYA kong kwento marami pa to, pero iniklian ko nalang kase 1.500 words lang ang kaylangan sa akin ni sir lacsam para sa aking talambuhay, Mabait kasi ako kaya ganan lang pinagawa sa akin ni sir lacsam e hahaha , Sa lahat po ng magbabasa ng aking talambuhay sana po ay matuwa at magustuhan niyo itong aking munting talambuhay,  maraming salamat pos a inyo ! At dito nap o natatapos ang aking MEMORABLE LIFE.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento