Sabado, Pebrero 4, 2012

ang pagtatapos

Ang Pagtatapos

Ang ating pagtatapos ay isang karangalan
Na dapat ikagalak para sa panibagong katuparan,
Katuparan ng ating mga pangarap at kahilingan
Na ating ipinagdasal mula sa kalooban

Sa Panginoon,tayoy dapat magpasalamat
At sa yaman tayo'y di nasasalat
Sa mga gurong nagmahal
Ang dapat ibigay ay isang parangal

Ngayong kami'y magtatapos
Sana ang pagtanggap ay lubos
Pagtanggap, sa bagong bukas
Kasiyahan sa wakas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento