Linggo, Pebrero 12, 2012

Talambuhay ni Jonna Gunday



jonna gunday
  Noong bata pa ako, wala pa akong kamuwang-muwang. Lagi akong naglalaro sa aming
labas, hindi ko pa pinapansin ang mga pag-aaway ng mga magulang ko kasi nga bata pa ako at
wala pa akong alam gawin kundi umiyak. Noon, pumapasok na din ako nang grade one,
hinahatid ako ng aking ama at pag naalis na ang aking ama ako ay laging nag-iiyak, ako ay
humahabol dahil ayoko pang pumasok dahil inaaway ako ng aking mga kaklase. Pero, pag nauwi
ako sa tanghalian sa amin ay masaya kaming nakain dahil sabay sabay pa kaming kumakain
jonna gunday
buong pamilya at pagkatapos kumain nagpapahinga muna kaming tatlong magkakapatid bago
ulit kami ihatid ng aming ama sa aming eskwelahan at pag awasan ng hapon ay kapatid ko na
ang aking kasama pag-uwi. Pero sa lahat ng aming kasiyahan ay nawala nalang na parang bula
simula ng ang aking ina ay umalis papuntang abroad kasabay noon ang pag-away ng aking
kapatid sa akin na gusto niya na siya lagi ang masunod sa lahat ng pagkakataon. At ng simulang
jonna gunday
jonna gunday
jonna gundayumalis ang ang aking ina ay ngkawatak-watak kaming magkakapatid, kung kani-kaninong bahay
kami napatira, hindi kami mapirme sa isang bahay ng sama sama. May bahay nga kami kaso
hindi kami natira dahil pag nandun kami, hindi namin alam kung saan kami kukuha ng aming
kakainin dahil ang ina ko naman pala ay hindi lagi nagpapadala ng panggastos. Magpapadala
siya noon, bihirang bihira pa tapos ang aking ama naman ay nagloko, naghanap ng ibang babae
kaya lalo na kaming hindi nagkasama sama, napabayaan na din kami ng aking ama, halos wala
na akong makain noon kaya ang lola ko, tinatawag ako kahit na ang pagkain lang para sa kanila
jonna gunday
ng aking mga pinsan pero hinahati nila ako sa kanilang pagkain. Galit na galit ang mga kapatid
noon sa aking ama dahil pinababayaan ako, sabi ng kuya ko, di bali na silang di bigyan basta ako
daw ay wag pabayaan at wag gutumin. Kahit ako, galit na galit din ako sa aking ama noon dahil
kinaya niya kaming pabayaan, iniwan kami sa ere ng aming ama, naranasan ko na ding pumasok
Add caption
na pamasahe lang, at naranasan ko na din na kaawaan ako ng aking mga kaklase dahil sa
kapayaan ng aking ama sa aming magkakapatid. Noon halos ayaw na naming makita ang aming
ama sa sobrang galit sa kanya. Halos ayaw na namin siyang ituring na ama pero kahit na anong
mangyari, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay siya at siya pa din ang aming ama. At
nagpunta ang aking ama sa aming school para mag sorry, niyapos niya ako at ako ay napaiyak at
sinabi niya na di na niya iyon uulitin ang nagawa niyang kasalanan. Bigyan namin siya ng
pagkakataon para magbago at simula nung nagbago ang aking ama ay lagi na siyang
sumusuporta sa aking kuya na kung saan saan ay lumalaban sa mga contest pati kami ng kuya
kong panganay ay sumusuporta rin. At ang kapatid ko ay may pera hindi niya ako
nakakalimutang abutan ng pera pati yung isa kong kapatid, binibigyan din niya. Napakabait
niyang kuya atpag nadaan na ang pasko ay lagi siyang may regalo sa aming magkapatid, sa mga
pinsan at papa ko. Ngayon ay may pamangkin na din ako na nireregaluhan din. Simula noong
nag asawa at nagkaanak ang kuya kong panganay ay ang laki laki ng pinagbago niya, hindi na
siya nakikipag-away at di na rin niya ako inaaway. Napakabait na rin niya sa akin at pag
nagkakaroon din siya ng pera ay di rin niya nakakalimutang abutan ako ng pera.

Kahit yung napangasawa ng kuya ko ay napakabait din, kahit pamilya ng asawa ni kuya
ay ang bait bait din sa akin, kapag merong handaan sa kanila ay hindi nila kami nakakalimutang
imbitahan ng kuya ko at ang aking ama. Ang ganda ganda nga ng pamangkin ko e, noon ang
pamangkin ko, nung bagong silang palang siya ay ang lambing lambing niya at habang lumalaki
jonna gunday
ay nagiging iyakin din pero lalong naganda at ang bibo bibo ng aking pamangkin. Simula din
noong nagkaanak na ang kuya ko ay parang lalong natauhan ang aking ama na hindi na siya
magloloko dahil may apo na siya. Ang aking ina naman ay umuwi galing abroad, hinintay namin

ng tatlong oras sa airport dahil ang tagal niya lumabas, excited kami na makita ang aking ina
kaya yung kuya ko ay kinaon na sa loob ng airport. Siya ang unang nakita ng aking ina pero
jonna gunday
hindi niya agad ito nakilala at ako naman ay hindi rin nakilala dahil grade four lang ako at yung
pangalawa samin ay grade six samantalang ang panganay namin ay second year high school.
Limang taon siya sa abroad na walang uwian kaya hindi niya kami nakitang lumaki. Noon na
nasa abroad siya ay nagpapadala lang kami ng mga pictures namin sa kanya. Noong nakauwi na
kami sa bahay galing airport ay para bang ayaw niyang tumigil muna sa bahay, matagal siyang
nawala ay dapat kami ang dapat niyang pagsilbihan, kahit ipagluto man lang,
makipagkwentuhan, ipasyal sa labas pero hindi ito nangyari dahil imbis na kami ang kanyang
asikasuhin ay gusto pa niyang umalis. Akala ko ay magiging masaya ako dahil umuwi na siya,
pero hindi nangyari ang aking inaasahan imbis na maging masaya ay kabaliktaran pa ang
nangyari, sumama lang ang loob ko. Nag iba na ang ugali niya na noong mabait siya, ngayon ay
jonna gunday
parang hindi ko na kilala. Umaalis siya lagi at pag-uwi ay lagi siyang may katawagan sa
telepono at di kami mapansin. Dumating sa puntong nagalit kami sa kanya dahil sa ugaling
pinapakita niya sa amin, anong klase siyang ina? Yun ang tanong ko sa aking sarili. Hay naku,
ang buhay nga naman. Dahil sa ginagawa niya dito sa Pilipinas ay nahalata naming meron siyang
lalaki. Nagkabati lang kami noong malapit na siyang umalis. Inihatid ulit namin siya s airport at
umuwi na rin kami agad pagkatapos. Naiwan ulit ako sa bahay ng tita ko dahil sabi niya ay wala
daw siyang kasama ay noong nagtagal na din ay kung anu-ano na din agn sinabi niya sa akin pati
na rin sa mama at papa ko, keso daw na napadalhan ako nung pasko at siya ay hindi. Alam ko na
inggit ang nangyari kaya siya nagkaganun at simula noon ay nagpasya kami na magbukod na at
jonna gunday
lumipat kami ng bahay na mauupahan. Sa ngayon masaya na din ako dahil alam ko na kahit
anong gawin ko ay wala nang maninilip sa aking kilos at galaw. Ngayon naramdaman ko na
malaya ako sa aking mga desisyon. Ito pa ang summary ng aking talambuhay, maraming salamat
po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento