Linggo, Marso 4, 2012

Ang Talambuhay ni Diana Cusi Calabig




Ako si Diana Cusi Calabig. Nakatira sa Brgy. San Juaquin San Pablo City. Ako ay labing anim pa lamang (16 years old). Ipinanganak ako noong Nobyembre dalamput walo taong 1995(November 28, 1995) dito sa San Pablo Laguna. Nang ikinasal sina Ama at Ina ay dito na sila nanirahan sa Brgy. San Juaquin San Pablo City. Taga dito talaga ang aking Ama na si Adolfo Carandang Calabig, at ang aking Ina na si Marites Garcia Cusi naman  ay taga Candelaria, Quezon. Kami ay limang magkakapatid, apat na babae at iasng lalaki. Si April Calabig ang panganay, ate Ampe ang tawag naming sa kanya. Nakapagtapos na siya nang pag aaral sa kolehiyo at ngayon ay nagtatrabaho na sa Manila. Sumunod naman sa kanya ang aking Kuya, pero hindi na naming siya kinagisnan, dahil sa kanyang maagang pagpanaw. Ang sunod kay Kuya ay si Jenelyn Calabig, Ate Tiktak ang tawag naming sa kanya. Hindi na siya nagkolehiyo at ngayon ay nagtatrabaho na bilang Production Operator sa Calamba, Laguna. Silang dalawa ni Ate Ampe ang tumutulong sa aking mga magulang upang kami ng aking mga nakababatang kapatid ay makapagtapos sa pag aaral. At ako nga ang sumunod ssa kanila, na ngayon ay nasa Ika-apat nang baiting sa sekondarya. Calabig ako kung tawagin sa aming paaralan, pero sa aming bahay Diane ang tawag nila sa akin. Si meryl Calabig naman ang sumunod sa akin, dalawang taon lamang ang agwat ng edad ko sa kanya. Sa parehong eskwelahan kami nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at nasa ikalawang  baiting na siya. Si Joshua Calabig ang aming bunso. Siya ay walong taong gulang. Na ngayon ay nasa Ikalawang baiting na sa elementary.

 Nung bata palang ako ay lagi akong na kina Tiya Edna.Malayo ito sa amin , wala silang kapitbahay kaya wala akong kalaro. Halos doon doon na ako tumira noong bata pa ako. Minsan ay pumapasyal doon ang iba kong pinsan at saka lang ako nagkakaroon ng mga kalaro.Palagi kaming kino kwentuhan ng mga katatakutan.Kaya kapag ito ay nag kokwento ng ng katatakutan ay siksikan kami sa kanya. Mahilig rin akong umakyat  sa mga puno, kaya palagi akong napapagalitan ni Tiya Edna. Marami doong puno ng bayabas kaya palagi kaming umakyat at kumukuha. Palagi din akong sakay sa kabayo ng aking Tiyo Owel na asawa ng aking Tiya Edna. 


Nang pumasok na ako ng Kinder Garden ay umuwi na ako saming bahay at paminsan-minsan na lamang ako nakakapunta sa bahay ng aking Tiya Edna. Limang taong gulang pa lamang ako ng pumasok sa paaralan. Dalawang beses kaming nagkinder ni Sarah, kaklase at kalaro ko siya mag kasing edad kami nito.Ina ni Sarah ang aming guro noon sa Kinder. Ibinalik niya kami sa kinder dahil masyado pa daw kaming bata noon.Hanggang tanghali lang ang aming pasok noon kaya pag kami ay awas na ay pumupunta naman ako kay ate tiktak sa kanilang room. Doon ako kumakain noon ng tanghalian. Kaya minsan ay tiktak din ang tawag ng ibang kaklase ni ate, dahil kamuka ko daw ito. Kapag naman minsan ay nakana Sarah ako at lagi kaming nag lalaro sa kanila. Minsan panga ay nahulog kami noon sa kanilang bintana mabuti nalang at mababa lang iyon kaya hindi kami nasaktan. Napagalitan kami noon ng kanyang ina dahil ang likot daw naming dalawa. Nang malapit na kaming mag tapos noon ng kinder ay kinuhaan na kami ng picture noon. Pinaulit naman ni inay nang picture ko noon, dahil may bangas ako noon sa mukha dahil nasundot ako noon  tingting, at mabuti na lamang at hindi ito sa mata tumama.
 At noon naman ay napasok ang aming bahay ng isang lalaki. Pero hindi na ito nakilala dahil hindi na ito nahuli. Sa bintana ito noon dumaan,nakalimutan daw atang kandaduhan ito ng aking kapatid kaya ito nakapasok. Kami lang noon ang tao  sa amin tulog kami noon sa kwarto, at aming ama naman ay nasa labas ng aming kwarto natutulog. Galing si inay noon sa aming tindahan ng  makita niyang bukas ang bintana. At nakita nga niya ang lalaki sa loob. Natakot si inay dahil meron itong kutsilyo na nakasuksok sa bulsa nito. Kaya nagmamadaling tumawag si inay kay ama. Nagising naman agad si ama at pinapasok si inay sa loob.pero nakatakas na nga agad ito kaya hindi na ito nakilala.Hindi daw pag nanakaw ang motibo nito at may iba itong motibo dahil wala namang nawala sa aming gamit. Pero pasalamat na lang at walang nasaktan sa amin.

Nung ako naman ay mag grade one ay napili ako noon ng aking guro sa sasayaw ng folk dance. Pero ng malapit na ang laban ay nilagnat naman ako kaya hindi ako nakasali noon. Kaya humanap sila ng papalit sa akin dahil nga malapit na ang laban. Takot din kami noon sa aming guro dahil namimingot ito ng tenga ng makukulit. Minsan na lang din kaming nakakapaglaro ni Sarah dahil maghapon na noon ang aming pasok.
Nung mag grade two na kami ay palagi naman kaming pinagtitinda ng aming guro  ng mga candy o tinapay kapag recess na. Mabait naman ang aming guro noon. Pag awas naman namin sa hapon ay hindi pa kami umuuwi dahil nag lalaro pa kami Chinese garter. Minsan naman kapag maaga akong naka uwi sa amin ay naglalaro naman kami ng bahay bahayan ng aking mga pinsan.

Nung ako naman ay mag grade three na ay medyo marami na akong bagong mga kaklase. Marami ang nag transfer noon. Mabait din ang guro naming noon. Palagi siyang nag kokwento tungkol sa kanyang buhay. Nahilig na rin akong mag laro ng paper doll noon dahil palaging gumagawa nito si Ate Tiktak. Sa kanya ko nga nakuha ang larong yun. Dati ay nag papagawa lang ako sa kanya pero natuto na rin ako kaya hindi na ako nag papagawa sa kanya. Pero palagi akong napapagalitan noon dahil laging nakakalat an gang pinag gupitan ko ng papel.

Nung ako naman ay mag grade four na ay hindi na ako palaging nakakapag laro dahil palagi na akong pinatatao sa aming tindahan. Takot kami sa aming guro ngayong grade four dahil namamalo ito sa kamay ng walang gawang takdang aralin at ng makukulit na bata. Palagi rin kami nitong pinag tatanim sa aming paaralan ng mga halaman. Kapag naman sa hapon ay pinag didilig naman kami nito. Naka bantay ito sa amin kaya lahat kami ay gumagawa.


Grade five na ako ay mahilig pa rin akong makipag laro sa mga pinsan ko ng mga habulan, patintero, sipa bola, sipa, halos panlalaki ang mga alam kong laruin dahil panay lalaki ang mga kalaro ko noon pero mga pinsan ko naman ang mga ito. Nag lalaro din ako noon ng tek’s na parang card. Ng mag tapos na ako ng elementarya ay nag bakasyon ako sa Cabuyao Laguna. 

Sa Cabuyao Laguna ako pumasok ng 1st year High School. Dito ako tumira dahil walang kasama si Tiya Edna sa bahay ng kanyang anak. Pero kahit dito ako pumasok ay si inay pa din ang nagbibigay ng baon sa akin at ng mga pang bayad sa mga bayarin sa school. Taga dito rin sa San Pablo ang naging best friend ko doon. Pero doon na talaga ito nakatira. 


Nang mag 2nd year High School naman ay nag transfer ako sa San Vicente National High school. Dahil umuwi na rin si tiya dito sa kanila. Mabuti na lang at may mga kaklase ako dito nong elementary. Si Remshelle naman ang naging best friend ko dito. Noong unang pasukan ay siya ang nakasimot ng pera ko, at napabalik ito sa akin dahil ipinag tanong niya ito kung kanino. Palagi na rin akong late dito. Mabait din ang adviser ko dito. 


Nang ako naman ay mag 3rd year High School ay lumipat ulit ako ng school. Dito naman sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Dahil malayo ang sakayan doon papuntang school. Kaya inilipat na lang ulit ako ditto sa Dizon.May kakailala na din ako dito ng ako ay pumasok. Si Lea taga amin din ito at kaklase ko noong
elementary. Naging SK konsehal din ako. Kulang kasi noon ang SK konsehal sa aming Barangay ng lima. Kaya nag karoon ulit ng eleksyon. Isinama din kami ni ate ampe sa Enchanted Kingdom noong nag karoon ng family day sa kanilang company. Nang pangalawang family day naman sa kanilang company ay sa Star City naman at sa Ocean Park. Sarap nga sumakay sa mga rides kahit nakakatakot.


 

At ngayon ay 4th year High School na nga ako, at ito ang masasabi kong pinaka masayang taon na nang yari sa buhay ko. Marami kaming masasayang ala ala na hindi malilimutan dito. Swerte ako dahil naging IV-GALLEI ako. Lalo na ang mga naging kaibigan ko dito, at syempre hindi mawawala ang crush..hahaha…mga asaran salawan sa daan kapag umuuwi. Lalo na ng mag field trip kami. Sama sama kaming buong seksyon sa bus, nagkukulitan, nag aasaran, nag hihingian sa pagkain at samasamang pagsakay sa mga rides. Lalo na ng sumakay kami sa lintik na space shuttle sa ek…. Grabe sobrang saya talaga………….





















END…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento