Ang Talambuhay ni Rossett Lising Virrey Ako si Rossett L.Virrey ,lumaki sa mahirap na buhay .Ang mga magulang ko ay sina Ricardo Lising Virrey at Mersiza Lising Virrey .Ang pangarap ko ay maging nurse,para magamot ko ang may mga sakit .Ang balak ko sana ay magtapos muna ng pag -aaral dahil para matupad ko ang aking pangarap.Kaya naman ako ay nagsisikap sa aking pag -aaral,at pag ako ay nakatapos na ng pag -aaral gusto ko munang tulungan ang aking mga magulang.Sana maging maganda ang aking magiging trabaho,pag ako ay nakatapos na ng pag -aaral at pag ako ay nakatapos sa pag -aaral balak ko na balang araw ako na ang mag papaaral sa mga kapatid ko.Upang matulungan ko ang aking ina sa pag -aaral sa mga kapatid ko.Ang trabaho ng aking nanay ay isang vegtable vendor ,at ang trabaho an aking ama ay isang karpintero. Ang aking ama ay hindi na nakakapag trabaho tumigil na siya sa pag -tratrabaho ng elementary pa ako ,dahil ayaw na niyang mag trabaho pagod na raw siya. kaya nanay na lamang namin ang nag tratrabaho.Kaya naman nag -aaral kaming magkakapatid ng mabuti talagang aral kaming mag kakapatid ng mabuti ng maliliit pa kami ng elementary pa kami .Nararanasan ko na ang mapalo na kami ng aming mga magulang .Ang pinapalo sa aming mag kakapatid at uyo ng niyog o kaya naman ay matitigas na bagay na lalapat sa puwet pag palo sa aming mag kakapatid.Naranasan ko na rin
na pag ako at ang mga kapatid ko ay pinapalo kami ng aming nanay sa maraming tao,dahil kasi pag umuuwi kami galing sa school ay nag lalaro agad kami mga elementary pa ako nito .Ako at ang mga kapatid ko ng maliliit pa kami ay mahilig kaming magtanim ng mga gulay at mga halaman .Mula ng mawalan ng trabaho ang aking ama ay nagsimula siyang mag bagong buhay . Sita ay nagtanim ng nagtanim ng mga gulay upang may kikitain siya,at para rin may kakainin kami sa pang araw-araw.Nang maliit pa ako ay tandang -tanda ko pa ng elementary pa ako ay walang-wala talaga akong baon ,halos ang baon ko ay nilagang kamote at nilagang kamoteng kahoy . Kaya pinag tiyagaan ko talagang mag baon nito , na iinggit ako sa mga kaklasmate ko dahil sila ay may pambili ng mga pagkain at ako ay wala tanging kamote ang aking baon pero ok lang sa akin nagpapasalamat pa nga ako sa panginoon dahil pinag kakaloob pa niya na may kinakain ako at ang mga kapatid ko sa pang araw-araw.Ako ay masayahin palaging naka ngiti sa mga taong nakakaharap ko . Maraming nag sasabi sa akin na maganda raw ako ,kamukha ko raw ang aking nanay pero lahat naman kaming mag kakapatid ay magaganda .Lalong-lalo na ang dalawang ate ko napakikay pag dating sa pag make -up ng mukha at sa pananamit.Kaming mag kakapatid ay labing isa ,limang lalaki at anim na babae.Pang lima ako sa aming mag kakapatid .Ako ay malapit ng mag bithday , sa May 13,2012,ang aking kaarawan, ang tanging hiling ko sa aking kaarawan ay makatapos ng pag -aaral,magkaroon ng magandang trabaho,matulungan ko ang aking pamilya.Ako ay mag lalabing walo na sa darating na buwan ng Mayo.Ako nga pala ay nakatira sa San Antonio 2 ng Sapa sa Tiaong,kaya ako nasa Bagong Bayan ng San Pablo,ay pinag -aaralako dito .Nag aaral ako sa Col Lauro D Dizon Memorial National High School. Maayos naman ang buhay ko dito.Naaalala ko ng bata pa ako ay mahilig ako sa pag kanta at sa pag sayaw pero wala akong sinasalihan na contest mahilig alng talaga akong kumanta at sumayaw. Tandang tanda ko pa na maliit pa ako ay maaga akong gumigising ng madaling araw ,dahil ako ang gagawin ko kasi ay maglilinis ng aming harapanat lilinisin rin ang aming bakuran,magluluto ng kaninat ulam. Pag katapos ng mga gawain ay ako ay naliligo na kasabay ko sa pag pasok sa paaralan ang mga pinsan ko,pag walang pasok ng Sabado at Linggo ang ginagawa ko ay tumutulong ako sa nanay ko sa pag lalaba ng mga damit namin ,pag katapos ay ako na ang mag papaligo sa mga kapatid ko. Maliliit pa kasi ang mga kapatid ko hindi pa nila kayang paliguan ang kanilang mga sarili at minsan ako ang nag papatulog sa kanila kasi tatay ko ang nag papatulog sa mga kapatid kong makukulit. Tandang tanda ko rin na pag ako ay natutulog sa tanghali ay ang ginagawa ng aking tatay ay hinihiksikan niya ako ng ulo para daw mabilis ang aking pagtulog . Pag kami ay kumakain sabay -sabay pero minsan ay hindi rin nag kakasabay sa pagkain. Naaawa ako sa aking nanay dahil halos araw-araw siya ay todo kayod sa pag tratrabaho mula sa umaga hanggang gabi ay nag ttratrabaho pa rin siya kaya ako ang humihilot sa kanya , pero ang mga kapatid ko naman ang ginagawa ay sila ang nag -papasaya sa aming nanay . Pag -umuuwi ng bahay ang aming nanay galing sa trabaho ay makita lang kaming mga anak niya ay nawawala na ang kanyang pagod at pinag hahain ng pagkain ang aming nanay . Pero pagdating sa tatay ko ay di na siya maaasahan dahil ang tatay ko ay isa ng lasing -gero pag -umuuwi siya palagi siyang sumisigaw ng pahingi ng kape kaya agad din binibigyan ko siya pinag -titimpla ng maiinom na kape . Pag ako ay natutulog sa gabi ay ang pinag -darasal ko ang kaligtasan ng aking pamilya,at ang grasya na may makakain sa pang araw-araw,kasama na rin ang mga kapatid ko na sana ay mag tapos sila sa pag -aaral. Tuwing sasapit ang new year masaya naman naming pinag -diriwang ang araw na ito ganun na rin ang araw ng pasko sama-sama ang buong pamilya ko. Pero nitong sumapit ang new year at pasko ay hindi ako at anga ate ko naka -uwi sa amin ,pero ayos lang sa amin iyon dahil masaya naman kami ni ate Richell dito sa Bagong Bayan na pinag -diwang ang new year atang pasko. Itong taong ito ay tatlo ang graduating sa aming mag- kakapatid ,ako, na fourth year high school, kuya ko na fourth year high school na rin, at ang kapatid ko na babae na grade six sa elementary. Sa akin ay ayos lang na hindi maka- punta ang aking nanay ,dahil baka hindi siya makapunta sa graduation ko ,kasi may dalawa akong kapatid na gragraduate sa amin sa Tiaong. Sa graduation ko sobrang mamimis ko ang mga classmate ko ,at ang mga mahal naming mga guro na nag -alaga ,nag-mahal sa aming lahat .Mamimis ko rin ang mga barkadang Manalang company . Sina Daniana Calabig,Angely Populi ,Angelyn Populi ,Princess Pepito ,Lea Ramos ,Jenicole Responso ,Anjanete Manalang, Giselle Sepagan ,Archie Azusada ,Michael Bongalonta ,Renzo Diangkinay ,Johnpaul Rubang ,at si Albert Palermo.Kaming mga barkadang Manalang company ay sumali kami kaya di-namin pinalagpas ang pag-kakataon na hindi sasali sa JS Prom .Sumali ako sa JS Prom ng Dizon ay kasi hindi naman ako sumali ng JS Prom ng third year ako sa dizon high.Kaya naman sumali ako sa JS Prom ng third year to fourth year,masayang-masaya ako ng araw na ito .Isinayaw ako ng aking Adviser na si Mr Elmer C, Escala at si Mr Jasper Del, Valle araw ng Valentine ang aming JS Prom ,masaya ako dahil sa nakasayaw ko ang aking adviser at para bang feeling ko ay ka-valentine ko sya.Kinabukasan ay tatuwa akong bigyan sya ng tedi bear na may kasamang puso at tatlong puso na may mga pangalang galing sa Bible na pwede nyang basahin kung ano ang pinahihiwatig ng mga naka-sulat. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga guro ,lalong -lalo na ang aking adviser na si Mr Elmer C, Escala,dahil sya ay napakabait talaga,masipag sa pag tratrabaho nya bilang isang guro,mapag-mahal pa. Ako ay lubusang nag-papasalamat ng marami sa aking adviser na si Sir Escala ,dahil sa pag-aalaga at sa pag-mamahal na binigay nya sa akin.Nakakatuwa na kaming mga 4 galilei ay gragraduate na mamimis namin lahat ang mga pinag-samahan ng buong taon ng June hanggang March nakakatuwa rin na ang aming adviser ay gdagdaduate na ng Doctoral, sana ay masaya si sir. Gusto kong i-share sa aking talambuhay na masaya ako dito sa dizon na simula first year hanggang fourth year ay hindi ako nag-kakaroon ng boyfriend ni isa ,dahil ang gusto ko sa aking buhay at sarili ay pag-aaral muna at mag-tapos ng pag-aaral. Ang gusto ko kasi ay makatapos ng pag-aaral,matulungan ko ang aking mga magulang ,mag-katrabaho ng maganda pag-natapos na sa pag -aaral.Saka ako mag babalak sa sarili ko na kung ako ay handa ng mag-karoon sa buhay ko ng pag -ibig. Sa totoo yan ay mayroon akong crush sa aking adviser, mamimis ko na dinadalhan ko ang aking adviser ng mga prutas,mamimis ko rin ang mga gniti nya,ang mga pag-jojoke nya,lahat-lahat. Ako ay nag papasalamat rin sa guro ko na si Mr Lacsam, dahil sa pinagawa nya ako at ang mga kaklase ko ng talambuhay ,kasi na i-shake ko ang aking talambuhay kung paano ay pwede pang balikan ang mga nakaraan na buhay. Nasasabi ko sa aking talambuhay ang mga nang -yayari sa akin ng ako ay bata pa hanggang sa ako ay naging isang teenager na . Ang mga na-aalala ko pa ng ako ay bata pa ay ako raw ay makulit ang sabi ng aking mga magulang, matigas ang aking ulo, at ang sabi pa sa akin ng aking nanay ay ang -kasakit daw ako .Ang naging sakit ko raw ay impatso, ang payat ko raw,na-ospital raw ako. Ang sabi pa ng aking mama at ang tawag ko sa kanya ay ina,ay ang dungis-dungis koraw,palaging narurumihan ang aking damit ,tulo pa daw ang aking sipon .Pero ng lumalaki na ako ay unting-unting na -developed ang aking sariling ako ay elementary sa amin sa San Antonio 2 Sapa San Pablo City. I-share-share ko ang pag-lipat ko ng elementary ,grade six na ako sa Ambray ,ako ay transfery,ng,mapapunta ako dito sa San PabloCity,ay pinag-aral ako ng aking Gurdian,At masaya dito dito ko pinag-patuloy ang aking grade, six .Masaya sa ambray pumasok ng elementary kasi mayroon ditong ginaganap na kung tawagin ay isang Kids Prom ,ang ibig sabihin ay ang lalaki at ang babae ay kinakailangan nilang mag-sayaw na dalawa at hindi kalakihan ang ambray pero pag dito ka pumasok ay magaganda ang mga aral .At dito ay masayang grumaduate,namimis ko na ang mga guro ko ng mga elementary sobra silang mag- mahal sa mga estudyante,nakakamis rin ang mga bestfriend ko ng elementary,pati rin ngayon ay sobrang nakakamis ang isat-isa maraming mga happy moments ang aming nabuosa aming mga barkada ng high school . Ang aking hobby ay ang magbasa ng mga libro, magazine ,mahilig rin magbasa ng Bible, marunong mag-tanim ng mga halaman,mga gulay,kaya ako marunong mag-tanim ay mana ako sa aking mga magulang,at ako ay isang green tub . Pag ako ay nag-tatanim ay magaling akong makabuhay ng aking mga itatanim .Dito sa Bagong Bayan ako ay naka-pagtanim na ng buto ng sili,buto ng papaya, at nabuhay ito,at noong ako ay nasa amin sa San Antonio 2 pa ako nakatira ay masipag akong mag-tanim ng ibat-ibang mga gulay at ibat-ibang mga halaman ang mga naitatanim ko .Ng ako ay dito pa nakatira sa Tiaong ay natatandaan ko na ako ay palaging lumiliban sa klase kasi ang problema ko ay ang pag- aalaga ng aking mga kapatid ,pag-nagkakasakit sila at hindi lo alam kung paano ko aalagaan sila . Pag umaalis ang aming mga magulang papunta sa kanilang trabaho kung sin ang sa aming mag-kakapatid ang kanilang pinapa-absent muna ng aming mga magulang. Minsan ay naaalala ko ang mga kapatid ko kapag walang-wala kaming kakainin ay pinag-darasal ko na lang sila na hindi naman kami pababayaan ng Panginoong may kapal. Pag ako at ang iba kong mga kapatid ay nararanasan namin ang kung paano ang magtinda ng mga ititindang mga gulay. Lalong-lalo na ako mas nararanasan ko kung paano ang magtianda sa paaralan, kapag ako ay pumapasok ng elemetary pa sa Tiaong,at,palagi rin ako na-lelate ,Dahil sa tuwing madaling araw ako, ang nanay ko,ang tatay ko at ang kapatid kong sina Renalyn, Renardth,ay maaga kaming gumigising para sa pag-luluto ng aming ititinda sa school. Ang niluluto namin ay ang tawag ay palitaw,ito ang dinadala ko sa tuwing umaga pag ako ay pumapasok sa school.Bale ,ang tatay ko ang nag- sisindi siya ng apoy at nag -iigib ng tubig at tinutulungan siya ng kapatid kong lalake. Ang ginagawa ko at ang kapatid kong babae ay tulong kami sa pag-bilog ng palitaw hanggang sa maluto ito pag-nakalutang o nakalitaw na ang ibig sabihin ay luto na .Pero kahit na ganito ang aming buhay dati at mayroon din naman ngayon na mahirap man ang aking pamilya ay nakaka asenso naman kami sa hirap ng buhay ,ay masaya naman kaming buong pamilya, pinag -darasal ko na aasenso rin kami. pinag-kakaloob naman kaming Family Virrey ni Lord at hindi kami sumusuko.Nang kaming mga family virrey mga pinsan ko mga kamag-anak namin ay pumunta kami sa kamay na Hesus.Kasi ang kapatid ng aking tatay ay balik bayan kaya naman pinasyal nila kami.Masaya rin, noong ako ay first year ,third year at fourth year ,sa dizon high .Kasi may ginaganap na fieldtrip kaya palagi akong sumssama sa mga lakbay aral ng aming paaralan.Itong fourth year hihg school ang hinding-hindi ko malilimutan,ang pag-sakay namin na mag-kaklase sa mga rides na aming sinasakayan.Masaya rin ang aming adviser na nakasama siya sa pag-lalakbay aral ng mga estudyante. Ito ang aikng talambuhay .Salamat sa mga nagbasa ng aking talambuhay sana may naranasan kayo sa buhay nyo sa naging aking buhay Hanggang dito na lang ang talambuhay ni Rossett Lising Virrey.Salamat..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento