Miyerkules, Marso 21, 2012

Ang Talambuhay Ni Angelyn Populi

        




             Ako po si Angelyn Rubio Populi.Nakatira sa Brgy VI-E San Roque Jr.San Pablo City Laguna.Ako    po ay ipinanganak noong Agosto 26,1995 sa Isla Verde Batangas City.Ang mga magulang ko po ay sina GloriaRubio Populi at Rogelio Populi.Kami po ay limang magkakapatid. Si Cheryl Rubio Populi ang panganay sa aming magkakapatid na nakapagtapos na ng pag aaral at nagyon ay nagtatrabaho na.Sumunod naman po ay si Jay ar Populi na ngayon ay nagtatrabaho na rin sa Maynila. Sumunod na po kami ni Angely Populi na nag aaral pa sa ngayon.Sumunod na po ang bunso sa aming lahat na si Jeffrey Populi.




        
       Sabi po nila ng bago pa daw po ako isilang ay may hinala na po ang silang kambal daw po ang dinadala ng aking ina dahil daw po sa laki ng tiyan niya. Kaya ng magpatingin siya sa doctor ay tama nga po ang hinala nila na kambal ang dinadala ng aking ina.Tuwang-tuwa po ang aking magulang dahil magkakaroon po sila ng anak na kambal.Lagi daw pong alagang alaga ng aking mga kamag-anak ang aking ina.Lalong lalo na po ang aking ama na tuwing uuwi sa aming bahay galing sa trabaho ay laging may dalang pasalubong sa aking ina ng sari sari.Syempre meron din daw po kami ni kambal.








        Hanggang sa dumating na ang pananakit ng tiyan ng aking ina.Yun po pala ay manganganak na.Dali dali pong dinala ng aking ama ang aking ina sa ospital.At doon po ay nanganganak na. tinawag siya ng doctor dahil tapos na manganak ang aking ina.Pumasok po kaagad ang aking ama at tiningnan kami ni kambal. Dumating ang aking mga kamag anak at ang aking kapatid. Nag usap-usap sila kung anu ang ipapangalan sa amin. May naisip sila sa amin na ipapangalan.Ang pangalan ng aking isang kapatid ay si Angely Rubio Populi.Samantalang ako ay pinangalanang Angelyn Rubio Populi.                                                      










          Makalipas ang ilang araw ay umuwi na daw po kami sa aming bahay at nag celebrate ng kunting paghahanda para sa amin ni angely.At masayang nagsal salo ang lahat.Hanggang sa mag isang taon na kami ni angely ay talagang pinag handaan ng sobra ng aking magulang ang aming unang kaarawan. Lahat ng ta ay nagpuntahan sa amin upang makisalo sa pag hahanda. Umalis muna kami upang magsimba. Para mag pasalamat sa panginoon dahil hindi nila kami pinabayaan.Lumipas ang ilang taon hanggang sa mag pitong taon na kami ni Angely. Pumapasok na kami sa paaralan ng Bagong Pook Elementary School ng grade 1hanggang naging grade six.








            Ako ay pumapasok na  ngayon ng High School at ngayon ay gagraduate na. Sa mga kaklase ko ngayon na malapit na tayong magkahiwahiwalay pero hinde ko ito makakalimutan.Lalo na sa mga kaibigan ko na nag papasasaya sa akin kapag malungkot ako. Hinding hindi ko kayo malilimutan.Nagpapasalamt nga po pala ako kay Sir Escala.Dahil siya ang guro na walang sawang nagpapasaya sa amin. At siya rin po yung gurong maalaga sa kanyang hinahawakang bata.Kahit minsan ay may problemang dumarating sa atin ay nagagawa nyo pa ring pong ayusin.Kahit minsan matigas ang ulo namin. Sorry po kasi sa dami nyo pong ginawang mabubuti sa amin ay nagagawa pa po naming kayong bigyan ng sakit sa ulo. Pero sana po sa nalalapit nating paghihiwalay ay maging matibay pa rin ang asamahan natin.                                                             

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento