Ako si Jen Nicole Reyes Responso.Ako ay
labing limang taong gulang na.Ako ay ipinanganak noong Hunyo 28,1996 sa Donya
Martha Maternity Hospital sa Pasay City. Ang aking magulang ay sina Jessie
L. Responso na isang Company Driver at siya ay tatlumpu`t pitong taong
gulang na.Si Cynthia R. Responso na aking ina ay tagapag-alag lang ng
aking nakababatang kapatid at siya ay tatlumpu`t anim na taong gulang
na.Kami ay limang
magkakapatid.Dalawang babae at tatlong lalaki.Ako ang panganay sa aming
lima. Ang sumunod sa akin ay si Charles Jaycee R. Responso,na sinundan
naman naman ni Hazel R. Responso,si Charles Jayvee R. Responso at
siyempre ang bunso naming kapatid na si Charles Jayjay R. Responso.
![]() |
Nung baby pa ko. |
![]() |
Nung kinder ako. |
![]() |
Nung graduation. |
Apat na taong
gulang pa lamang ako ay pumasok na ako sa Zamora Learning
Center. Ang aking mga teacher`s noon ay sina teacher Julie,teacher
Mayet,teacher Lorie.Kahit Kinder ako,masaya rin pala.Kami ay nagmartsa sa
may Sampalok Lake para sa ``Watong Nutrisyon’’. Marami akong naging
kaibigan nung kinder pa ako.Hindi ko rin makakalimutan nung kami ay
nag-fieldtrip sa may Alabang.Kami ay nagpunta sa Festival Mall.Kasama ko si mama
at yung mga kaibigan ko.Natatandaan ko pa noon nung ayaw pa akopng pasakayin sa
sasakyan.Kasi baka hindi ko daw abot yung pedal.Pero buti na lang naawa sa akin
yung lalaki kaya sinukatan ako kung pwede ba akong magmaneho sa kotse.Pero buti
na lang at ako ay pumasa sa sukatan.heheheh!!!Nang ako ay magmaneho na,lagi
akong nababangga.Pero ayos lang sulit naman.Pagkatapos nung mga masasyang
araw,mga ilang linggo lang ang nagdaan ay nagsimula na kaming magpraktis ng
sayaw para sa aming graduation.Hanggang sa dumating na ang araw na
pinaka-hihintay namin,ang graduation.Andun lahat ng kamag-anak ko.Napanood nila
akong sumayaw at tuwang-tuwa sila.Kasi dun lang nila ako unang beses na
nakitang sumayaw.Nang tinawag na ang pangalan ko para ibigay ang diploma,ang
umakyat kasama ko sa stage ay si papa.Hindi ko malilimutan nung ako ay
kinder,kasi dun ako unang nagkaroon ng mga kaibigan.
![]() |
Si papa at ako. |
Nang ako ay
mag-eelementary na,naisipan nila na sa San Pablo Central School na ako
pumasok.Limang taon ako nang ako ay pumasok nja grade 1.Ang adviser ko ay si
Mam.Galvez.Siya ay istrkto pero mabait siya.Hindi niya tinitigilan ang kanyang
estudyante kapag nag-babasa.Ako nga ang pinaka maliit sa aming
magkakaklase eh!pero buti na lang at mababait sila kaya walang nang-aaway sa
akin.At nagkaroon ulit ako ng panibagong mga kaibigan.
Si Mam.Bulayan
naman ang teacher ko nung ako ay grade 2.Siya ang pinaka mabait sa lahat ng
naging teacher ko sa Central.Lahat ng magulang ay kabiruan niya.At nung grade 2
ako,ay kami ang may pinaka magandang room.Kaya naman nakakaganang
mag-aral.Grade 2 din ako nun,nung ako ay mag girlscout.Marami ulit akong naging
kaibigan at naging mas malapit kami sa isa`t-isa ng kami ay mag fieldtrip.Sa
Enchanted Kingdom kami nagpunta.Kasama ko yung kapatid ko na lalaki.Marami
kaming nasakyan na mga rides,kaso nga lang bawal pa kami sa iba pang rides kasi
daw ay bata pa kami.Gusto ko sana sumakay sa Space Shuttle,kaso bawal pa.Kaya
nagpipicture na lang kami.Sobrang saya ko nun.Hindi ko yun makakalimutan,kasi
ayon ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa Enchanted Kingdom.Sana nga
maulit yun.
Si
Mam.Castillo naman ang adviser ko nung grade 3 ako.Siya ang pinaka maganda ko
namang naging teacher sa Central.Hind siya mataray,simple lang siya.Magaling
din siyang magturo.Saka kapag wala na kaming ginagawa ay pinapayagan niya kami
na manood ng t.v.Masaya ako na naging teacher ko siya.Kaso hindi na siya
nagtuturo sa Central.Dun na siya nagtuturo sa ibang bansa.Masayang-masaya kami
para sa kanya.
Nang
ako ay grade 4 na,si Mam.Escondo ang aking adviser.Dalaga pa siya nun,ewan ko
lang kung hanggang nayon.Siya ang pinaka matagal na magpaawas nun.Awas na ang
lahat ng estudyante sa grade 4,kami ay hindi pa.Kaya lagi akong sinusundo ng service
ko para makauwi kami kaagad ng maaga.Pero kahit matagal siya
magpaawas,siya ang pinaka mabait na teacher na nakilala ko sa Central.
Si
Mam.Frayres naman sng adviser ko nung ako ay grade 5.Kung hindi ako
nagkakamali,grade 5 yata ako ng ako ay mag first communion.Kasama ko yung mga
kaibigan ko.Masaya rin naman ang grade 5.Kinabahan nga ako nung grade 5
ako.Kasi ang tataray ng mga teacher`s namin at baka hindi pa ako makapag grade
6.pero buti na lang at ako ay nakapasa.
![]() |
Naggraduate na ko ng grade six. |
At sa wakas,grade 6
na ako.Medyo naninibago ako.Ang adviser ko ay si Mam.Gunay.Mababait naman ang
mga naging kaklase ko at madali silang pakisamahan.Masasabi ko na ang
pinaka mahirap na baitang sa elementary ay ang grade 5.Kasi ngayong grade 6 ako
ay madali lang para sakin at papraktis-praktis na lang kami para sa graduation
naming.At ng dumating na ang araw na pinaka hihintay naming.Sobrang saya ko at
may halo din na kaba.Nang kumanta na,ay nagsimula ng magsi-iyakan yung mga
kaklase ko.Pero kaming magbabarkada ay hindi umiyak.Ewan ko ba kung bakit wala
man lang umiyak sa aming tatlo.O talaga lang na hindi mababaw ang luha
namin.Pero kahit hindi kami umiyak ay hindi ibig sabihin nun ay hindi ko sila
maaalala.
![]() |
Nang
ako ay maghihighschool na,sa Col.Lauro D.Dizon MNHS ako pumasoik.Kasama kong
mag-enroll sina mama at ang tita ko.Ako ay naging I-F at ang adviser ko ay ay
si Mrs.Lucido.Mabait siya at masayahin din.Mababait lahat ng naging
kaklase ko.Ang mga naging barkada ko nun ay sina Vanessa at si Kathrinr.Ang
tawag nga sa amin ni Ate Annalyn ay ``tres marias’’.Naging matagal din naman
ang samahan.
![]() |
Crush ko nung 2nd year ako. |
Nung ako ay 2nd year ,hindi pa rin nagbago ang
section ko.II-F ako at ang adviser ko ay si Mrs.Javilagon.Maraming mga bagong
mga kaklase at bagong kaibigan.At ang naging barkada ko nun ay sina Jamlly ai
si Cristy.At nung 2nd year ako dun ako nagkaroon ng
crush.Renz ang pangalan niya .4th year siya nang nakita ko siya.Ang pogi
niya tapos ang mysterios niya.Kaming magbabarkada ay may gusto sa kanya .Kaya
naman,inantay ni Cristy si Renz na dumaan sa may room naming.At nang dumaan na
siya,kinuha ni Cristy yung no.ni Renz.Dahil sa hindi naman suplado si Renz,ay
binigay niya.Kaagad naming tinext kaso gabi na siya nakapag reply.Mabuti na
lang at may load pa ako nun,kaya nakatext ko pa siya.Tuwang-tuwa ako at
nanginginig yung mga kamay ko.Sa totoo nga lang,nawala ang antok ko at hindi
ako makatulog.Nagkaroon na yata ako na insomnia.Kaya kinabukasan,na-late
ako.Siya lang ang nakilala ko na lalaki na kahit pogi siya ay hindi siya
suplado.Hindi katulad ng iba diyan,kahit hindi gwapo ay napaka yabang at sila
pa ang may lakas ng loob na magsuplado.Yun yung hindi ko makkalimutan nung ako
ay 2nd year.
![]() |
Ako at ang kapatid kong si Jb |
Nang 3rd year ako ay si Mrs.Bondad ang naging
adviser ko.Ang aking section ay ganon pa rin,III-F.Ito rin ang pinaka-masaya
kong alaala bilang isang highschool.Pero ito rin ang masasabi kong
pinaka-mahirap na taon sa highschool.Nagkaroon na naman ako na panibagong
kaibigan.Sina Camille,Steff,Anjanette,Rosalie,angelyn at si Ricky.Hindi ko rin
makakalimutan nun nung kmi ay nag-JS.Ang saya ko kasi kasama ko yung mga
kaibigan ko.Isa rin ito sa hindi ko malilimutan na alaala bilang isang
teenager.
![]() |
Si Sir. Escala |
At nang ako ay
naging 4th year na,akala ko ay magiging IV-F ako,pero
hindi pala.Ako pala ay IV-G.Ang naging adviser ko ay si Mrs.Calanasan,pero
saglit lang namin siyang nakasama.Sa kadahilanan na ,maraming dumating na
bagong teacher`s.At napalitan din ang adviser namin.Si Sir.Elmer Escala na ang
naging adviser namin.At kmi ay naging IV-Galilei na.Proud ako at naging Galilei
ako.Proud ako kasi ang adviser naming ay si Sir.Escala.Masasabi ko na ito ang
pinaka-masayang parte ng highschool.
![]() |
![]() |
![]() |
Nung js namin. |
Lalo na nung kami
ay nag-fieldrip.Sobrang saya nun.Kahit na hindi pa naalis yung bus ay tawanan
na agad kami.Ang pinaka hindi ko makakalimutan na pinuntahan naming ay sa
Enchanted Kingdom.Kahit na dalawa lang ang nasakyan naming ay sulit
naman.Pinaka-masaya na sinakyan naming ay Rio Grande.Sobrang haba talaga
ng pila.pero hindi kami nainip.Kasi kasama namin si Sir.Escala.Nagpapatawa siya
kaya hindi namin ramdam kung gaano kahaba ng pila.At ng kami ay nakasakay na,ay
enjoy na enjoy kami.Kahit na kami ay basing-basa na.Nakakatawa nga ang mga kuha
naming sa camera,kasi yung ibang kuha ay nakanganga.Ang pinaka nakakakaba na
nasakyan namin,ay dun sa Space Shuttle.Sobrang excited ako kasi,gusto ko talaga
makasakay doon.Pero ng aandar na,ay para akong mamatay sa kaba ko.Hindi ako
makasigaw jasi parang nauubusan ako ng hininga.Nakapikit nga ako at ako ay
nalulula.Mangiyak-ngiyak na ako pagbaba.Nagsisisi ako kung bakitpa ako sumakay
dun.Sabi ko sa sarili ko na hindi na ulit sasakay sa Space Shuttle.Hindi ko
malilimutan ang araw na yon.Isa din sa hindi ko malilimutan na araw ya nung
nag-JS kami.Sinayaw kamimg lahat ni Sir at wala siyang niligtangan sa amin.Mas
masaya nga ang JS ngayon kesa nung nakaraan.Kasi sama-sama kaming lahat
na magkakaklase at si Sir.Kaya hindi ko malilimutan ang highschool life.At
mamimiss ko rin ang mga naging kaklase ko simula nung ako ay 1st year hanggang ngayon na 4th year na ako.Mamimiss ko rin ang mga
barkada ko,ang Wi_lab`x. Siyempre ang pinaka mamimiss naming ay an gaming
adviser na si Sir.Escala.Marami kaming natutunan na mga aral kay Sir,at hindi
namin yun makakalimutan.Kasi siya ang naging tatay namin at hindi niya kami
pinapabayaan.Sa kanya lang namin nakita ang pagpapahalaga niya sa amin bilang
isang adviser namin.Kaya hindi ko makakalimutan ang section na IV-Galilei
at ang tropang Wi_lab`x.kahit na may hindi pag-uunawaan sa tropa naming ay
naayos kaagad ito.Sa Wi_lab`x ko lang naramdaman ang tunay kahulugan ng
barkada.Kaya hindi ako naniniwala na ang barkada ay masamang impluwensya.Kasi
ang Wi_lab`x ay nagtutulungan sa oras ng kagipitan.Kaya hindi ko malilimutan
ang barkada ko.Mamimiss ko kyayong lahat!!!
![]() |
Ako at si Diane. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento