Ako po si Angely Rubio Populi,ipinanganak ako noong Agosto 26,1995 sa IslaVerde Batangas City.Ako po ay 16 na taong gulang na ang pangalan ng aking mga magulang ay sina Gloria Rubio Populi at si Rogelio Rubio Populi.Ang trabaho po ng aking ama ay vendor at ang aking ina naman po ay sa bahay lang.Sila po ang aking mga mabubuting magulang na nag alaga't nag aruga sa aming magkakapatid at sila rin po ang nagturo sa amin ng tamang kilos at pananalita. Ang panganay po sa aming magkakapatid ay si cheryl siya po ay nagtatrabaho na ngayon samantalang ang iba ko pong kapatid ay may kanya- kanya ng pamilya .Kami naman po ni angelyn ang bunso sa magkakapatid.Nag- aral po ako ng ika-unang baytang, ikalawang baytang, ikalimang baytang at ikaanim na baytang sa paaralan ng Bagong Pook Elementary School.At nag-aral naman ako ng ikatatlo at ikaapat na baytang sa paaralang San Agustin Elementary School .Ngayon naman po ay nag-aral ako ng hayskul sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National Highschool.At ngayon po sa wakas ay makakapagtapos na po ako ng hayskul at matutupad ko na po ang aking pangarap sa pamilya ko at sa sarili ko . Ako po ang bata na mabait,magalang,marunong makisama sa ibang tao at may takot sa diyos na siyang nagbibigay sa akin ng lakas upang magawa ko ang gusto ko para sa pamilya ko at nagpapasalamat din po ako sa kanya dahil hindi niya kami pinababayaan. Marami na po akong naranasan sa aking buhay minsan may dumadaang problema pero nilalabanan ko ito upang masulusyunan ko ito .
Nagpapasalamat nga po pala ako kay Sir Villanueva dahil sa kanya napalipat ako sa 4-Galilei at nakasama ko ang aking kapatid at nakilala ko ang mga tunay kung kaibigan at si Sir Escala na siyang nagpapasaya sa amin at tumutulong sa aming mga problema sa school.Andyan po ang aking mga kai- bigan na tumutulong sa akin pag may problema ako kahit sa love life ko at dahil sa kanila nakilala na ako ng aking crush . Nagpapasalamat po ako kay Sir Elmer Escala dahil nakilala at naging adviser namin siya dahil siya lang po ang nagbibigay sa ami ng pinakamasayang karanasan sa hayskul. Kahit napapagalitan kami humihingi kami ng tawad sa kanya at kahit hapon na kaming umuwi pinipilit naming magkasundo-sundo kaagad.Kahit pagod na pagod na siya sa pagtuturo nandyan pa rin sya para bigyan kami ng paalala at nagtuturo sa amin ng tamang asal.Maraming- maraming salamat po sa lahat kung hindi po dahil sa inyo hindi mabubuo ang maganda nati-ng pagsasamahan at hindi po namin malilimutan ang masasayang araw sa ating 4-Galilei sana sa nalalapit nating pag- hihiwalay ay maging masaya pa rin tayo kahit na may problema tayong kinakaharap ay nagagawang nating itong palampasin .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento