Sabado, Marso 10, 2012


Ang talambuhay ni Jonathan Silva Corcolon
Ako si Jonathan Silva. Corcolon

   Si Jonathan Silva Corcolon ay panganay sa dalawang magkapatid na anak nina Adelardo Endriga Corcolon Jr. at Belen Silva Corcolon.
Nung baby pa Ako.

 Siya ay ipinanganak noong ika 12 ng Setyembre taong 1996, sa Sanpablo City Hospital.
 At sa gulang na talong buwan inihandog sa simbahan ng Cathedral of Faith sa Brgy. Dayap Calauan laguna. 
Ang hilig niya ay maglaro ng basketball at magcomputer maglaro ng specialforce.

Picture noong ako ay naglalaro ng Special Force
 At ang paborito niyang kanta ay magbalik, kaytagal kitang hinintay. 
Paborito niyang pagkain ay tapa, fried chicken siomai siopao.
  Noong bata pa siya ay lagi siyang sinasama ng kanyang ninong at ninang kasama ang kanyang kababata na si Alexa Gatdula para mamasyal nag punta sila sa Manila Zoo. 
Ako at ang aking kababata na si Alexa
Nung lumaki siya at handa ng pumasok nag paturo muna siya sa kanyang tita Irene. at makalipas ang apat na taon nag aral siya ng kinder1  sa Daycare Center P.alcantara, at nagtapos noong ika 18 ng Marso taong 2001. Pumasok muli ng kinder2 sa Daycare Center sa dati niyang pinasukan at nagtapos siya noong ika3 ng Abril taong 2002.
     At pumasok na siya ng grade1 sa Sanpablo Central School hangang grade6 at sumali siya Cultural Show. 
At nagtapos siya ng grade6 sa Sanpablo Central School noong ika 27 ng Marso taong 2008. Pagdating ng High School nag-aral siya ng first year sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School noong 2008 at nakakilala siya ng mga kaibigan at nakilala din niya si Ruby Rose G. Santos na kanyang girlfriend kaya masaya siyang nag aral.
Yan ang Girl Friend ko na
si Ruby Rose G. Santos
 At napasali din siya sa Mr. and Ms. Dizon ngunit hindi saya nanalo pero ayos lang un dahil nakasali naman siya at nakaranas na sumali sa isang contest.
 Subalit noong nawalan sila ng Math dahil walang guro na nagtuturo lumabas siya kasama ng kanyan mga kaibigan at pagbalik nila sa kanilang class room ay sinabihan agad sila ng iba nilang mga kaklase na nagkaroon sila ng math at dinala ng kanilang guro ang kanilang mga bag para tubusin ng kanikanilang mga magulang.
 At pinatawag niya ang kanyang mama na si belen corcolon at kinausap ng kanyang guro at nakuha ang bag niya.
 at  noong nakatapos siya ng first year ay lumipat siya ng paaralan at doon siya nag patuloy ng pagaaral sa sanpablo colleges dahil nakaalis ang kanyang ama papunta sa bansa ng Libya.
 at noong pumasok siya sa paaralan na iyon ay panibagong kaibigan nanaman ang kanyang nakilala at pinagbuti niya ang pagaaral niya at noong nag fieldtrip sa paaralan ng sanpablo colleges ay sumama siya kasama ang kanyang mga kaibigan at nang makatapos siya ng  second year sa taong 2009 hanggang 2010 ay lumipat ulit siya ng paaralan dahil hindi na nakabalik ang kanyang ama sa Libya dahil natapos na ang kontratang isang taon.
At lumipat na siya ng paaralan sa col. Lauro D. Dizon Memorial National High school at sa pag babalik niya sa paaralan na dati niyang pinagaralan ay nakita niya ulit ang kanyang mga nagging kaibigan noong first year.
 At nag enroll ulit siya para maipagpatuloy niya ang pagaaral niya ng third year at nagkaroon siya ng panibagong kaibigan at noong nagtagal ay nagkaroon sila ng party sa paaralan at sumali siya ng Junior Senior at nag saya sila ng kanyang mga kaibigan at nakatapos siya ng third year noong 2010 hanggang 2011 at ngayon siya ay fourth year na nais niyang makagraduate at nakilala niya ang kanyang mga kaibigan na sina jomak peladra, marvin Rosales, javee flores, Raymond cordez, Edward aranuel, alimagno john darell, Jason bico at alimagno Kenneth at sila ay nag tutulungan sa pagaaral para sila ay makatapos.
yan ang aming adviser n si sir Elmer Escala
At ang adviser nila ay si sir. Elmer camio escala siya ay napaka bait na adviser palabiro at magaling magturo at pogi pa. 
 Sila ay nagka acquatance party at kasama niya ang kanyang girlfriend na si Ruby Rose G. Santos at ang mga kaklase niya. 
Aquatance namin sa school
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagkaroon sila ng fieldtrip sa tagaytay at napaka ganda ng tanawin doon at kitang kita doon ang bulkang taal at madaming ibat-ibang hayop tulad ng Puma,liyon, Tigre, baboy at iba pa. Pagkatapos ay nagpunta sila sa Enchanted Kingdom at sumakay sila sa Space Shuttle at Riogrande at umuwi sila ng alasdyis ng gabi. Kinabukasan ay balik aral na ulit sila. 
fieldtrip namin.
Makalipas ang ilang linggo ay sumapit na ang pasko at ito at kaarawan ng kanyang ina na si Belen Corcolon at sila ay nagpunta sa Candelaria quezon at doon nagdiwang ng kaarawan ang kanyang ina. Noong bagong taon ay naghanda ang kanyang mga Tita at Tito ng mga pagkain para sa bagong taon at siya ay nagpaputok ng mga paputok tulad nga Picolo, Sintoron ni Hudas at iba pa pagkatapos ay sila ay kumain at sinundo nila ang isa pa nilang pinsan na si Christian Silva sila ay nag karera ng motor sa highway papunta sa bahay ng kanyang mga lola at pagkadating nila sa bahay ay nagpalaro sila sa mga bata nilang pinsan. At kinabukasan ay umuwi na sila dahil sa januray 2 ay pasukan na ulit.
 At ngaung darating na pebrero 14 sila ay mag kakaroon ulit ng junior senior night at kasama siya . at madami siyang nakilala doon marami siyang naisayaw at hindi niya nakalimutan na isayaw ang kanyang girlfriend na si Ruby Rose G. Santos. At nung natapos na ang kanilang junior senior night ng 4:00 ng medaling araw.
Ako at ang Girl Friend ko.
 Kinabukasan ay wala silang pasok dahil pahinga sila pagkatapos ng junior senior night. Siya ay naggwa ng talambuhay dahil at noong natapos siya ay nag laro siya ng basketball kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Jervin Corcolon, Justine Javier, Kevin Espidilla, Joshua Jamito, Glenson Orcene at Hishashi Lacsam. Pagkatapos nila maglaro ng basketball nagpahinga siya sa bahay at nag miryenda. Nagkaroon sila ng liga at sumali sila ng kanyang mga kaibigan ngunit magkakaiba sila ng team at magkakalabang sila at ng natapos ang liga ay hindi sila nagging champion  ngunit sila ay first place at sila ay nagka tropeyo . nag bakasyon siya kasama ang kanyang pamilya sa Candelaria Quezon sa lola at lolo niya sa magulang ng kanyang ina at nagkitakita sila ng kanyang mga pinsan ngunit makalipas ang ilang lingo ay umalis na ulit sila dahil may pasok na ulit siya at pagkauwi niya ay naggawa siya ng mga takdang aralin niya sa ibat-ibang subject para siya ay makapasa at makapagtapos ng pagaaral dahil ito ang pangarap ng kanyang mga magulang at pangarap din nilang dalawa ni Ruby Rose  para makatungtong ng kolehiyo at makatulong sa kanyang mga magulang para matupad niya ang kanyang pangarap at gumanda ang kanyang buhay. Pangarap din niyang makapunta ng ibang bansa para dun makakuha ng magandang trabaho para siya na ang magpapaaral sa kanyang kapatid at hindi na ang kanyang mga magulang para may maisukli siya sa ginawang pagaalaga at pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang. At ito ang talambuhay ni Jonathan Silva Corcolon.


Ang aking pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento