
ang talambuhay ni Don Luwi Abayon
Jimenez

na makalikha ng buhay pahina….
Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa isang
pelikula sapagkat tayo bilang tao ay may kanya kanyang papel na ginagampanan sa
kuwento ng totoong buhay. Katulad po ng mga pangyayari sa aking buhay. Noong
isilang po ako sa mundong ito laking tuwa ng mga magulang ko. Ika-24 ng
Nobyembre 1995 ng biyayaan ang mag-asawang Engr. Leotie Silva - Jimenez at Ana
Maria Babylonia – Abayon ng kanilang pangalawang anak sa Northern Samar
Provincial Hospital, Catarman, Northern Samar. Ito ay pinangalanan nilang DON
LUWI. Hango sa pangalan ng ama ni Leotie na si Lucio isang negosyante at ama ni
Ana Maria na si Adonis, isang principal.




At ako na nga po iyon. Si DON LUWI ABAYON –
JIMENEZ……………Ayon kay mommy, tuwang-tuwa daw sila ni Daddy noong una nila akong
makita dahil normal at napakalusog ko. Pero doble daw sana ang kaligayahan ni
Daddy kung naging babae ako dahil iyon ang kanyang ipinagdarasal at pinangarap
na maging babae ang kanilang pangalawang anak. Pero ganon pa man, ramdam ko ang
pagmamahal ng aking mga magulang at ng mga taong nakapaligid sa akin. Lagi nila
akong nilalaro at isinasama sa kanilang mga pinupuntahan. Ako ay bininyagan sa
lugar ng aking Mommy, sa San Antonio, Northern Samar, noong aking unang taong
kaarawan.

SAN
ANTONIO, NORTHERN SAMAR………..
Ikaw
lang ang hinahanap ko, kahit saan pa man ako makarating.
Hindi mawawala sa isipan ko, ang
pangalan mo Mahal kong Bayan.
Napaliligiran ka ng malinaw na tubig ng karagatan,
Idiniduyan mo ako sa
sariwang simoy ng hangin,
Musika sa aking
tainga ang huni ng mga ibon,
Napakasarap manirahan at mabuhay sa bayan kong sinilangan………




4 na buwan na ako dito, karga ako ng kasama ko dito ang lola Dita ko
Mommy ko (mama ng Mommy ko)


Kasama ako ng Daddy ko papunta daw
Sarap maligo sa loob ng timba……… kami
sa Biri Island.
Kung saan kinuhanan ang pelikulang
“The Spirit Warriors”
Siguro po nagtataka kayo o
nagtatanong sa inyong mga sarili kung bakit ako napunta dito sa San Pablo City,
Laguna samantalang ako ay ipinanganak sa Catarman, Northern Samar. Ang aking
ina ay taga San Antonio, Northern Samar. Pero sila ay nanirahan sa Catarman,
Northern Samar, ang kabisera ng Northern Samar dahil noong panahong iyon ang
gobernador ng Northern Samar ay ang
aking lolo, Atty. Harlin Castillo Abayon. Kinuha niya ang aking Daddy na
enhinyero sa kanyang mga proyekto sa probinsiya. Ganoon pa man lagi kaming umuuwi
dito sa San Pablo City, sa aking mga lolo at lola sa parte ng aking Daddy lalo
na pagbakasyon. Ang aking ama ay taga San Pablo City, Laguna. Ayon sa aking
Mommy, noong isang taong gulang palang ako kinuha ako ng mga magulang ni Daddy.
Sa San Pablo City, Laguna ako nakatira hanggang sa ako ay apat na taong gulang.
Ako ay nag-aral ng aking
“kindergarten” sa Our Lady of Annunciation Academy. Ako naman ay nag-aral at
nakapagtapos sa aking elementary sa
Cawayan Integrated School. Noong ako ay nasa elementary pa, simula ng ako ay
tumuntong sa ikatlong baitang lagi akong kumakandidato sa Pupil Government Organization (PGO) bilang senator. At sa awa
ng Diyos, lagi akong nananalo. Ang aking una at pangalawang taon sa sekundarya
ay ginugol ko sa Cawayan Integrated School. Sa mga panahong iyon, natuto at
sumali ako sa “baseball team” ng aming paaralan. Ang aking Mommy ang aming
“coach” noong panahong iyon. Dala ng magandang kapalaran, ako ay napasali sa
Northern Samar baseball team at ako ay napasama sa Eastern Visayas Regional Athletic Association Meet (EVRAA),
noong Pebrero 27 – Marso 2, 2009 na ginanap sa Tacloban City.
Kaya noong ako po ay tutuntong
na sa ikatlong antas, napagpasyahan ng aking mga magulang na ako ay ilipat sa
Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, ng San Pablo City, Laguna,
kasama ang aking nakababatang kapatid na si Vien Ardwin. Dahil ng panahon ding
iyon kumandidato at natalo ang aking lolo Atty. Harlin Castillo Abayon sa
pagka-“Congressman”. Nawalan ng mga proyekto sa gobyerno ang aking ama kaya
napagpasyahan nilang mag-asawa na umuwi na lamang sa San Pablo City, Laguna si
Daddy. Sa mga unang araw ko sa paaralang ito, ako ay medyo nahirapan dahil mga
bago na ang aking mga kaklase at bago na din ang aking kapaligiran. Ipinagpatuloy
ko sa paaralang ito ang aking paglalaro ng “baseball”. Sa katunayan kami ang
nag “champion” noong ako ay nasa ikatlong antas taong dalawang libo at sampu
(2010). Marami akong hindi makakalimutang mga karanasan, aral, at pangyayari sa
pag-aaral ko sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ng San Pablo
City, Laguna. Kasabay nito, ako ay sumailalim sa pagsasanay (training), bilang
kadete/probisiyonal ng Citizenship Advancement Training (CAT). Noong nakaraang
Hunyo, dalawampu at labing isa (2011), ako po ay natalaga bilang kumander ng
isang kumpanya ng mga mag-aaral sa paaralang ito. Kaya hanggang sa kasalukuyan ay
hawak ko pa rin po ang posisyon na ito bilang Kadete Kapitan.




Ang ilan po sa mga gusto
kong gawin ay ang paglalaro ng taekwondo, baseball, at motocross…. Saludo ako
sa aking mga magulang dahil sinusuportahan nila kaming magkakapatid sa aming
mga gusto lalo na sa pagdating sa sports. Ang sabi ng mga magulang namin, “ang
mga kabataan na nasa isports ay malayo sa mga masasamang bisyo lalo na sa mga
ipinagbabawal na mga droga”. Tuwing bakasyon, kami ay kanilang ini-enrol sa
taekwondo “clinic” ni G. Elmer Gregorio. At pag may mga araw na wala kaming
ensayo sa taekwondo, kami ay isinasama ni Daddy sa “race track” para naman mag
ensayo ng motocross. Kami ay sumasali sa mga paligsahan at nananalo naman kami.
Kaya masasabi kong isa kami sa mga masuwerteng bata dahil nagkaroon kami ng mga
magulang na tulad ng aking nila. Halos ibinibigay nila sa amin ang lahat naming gusto at pangangailangan kung
kaya rin lang naman nila.


Isa
sa mga praktis namin dito sa CLDMNHS Habang ako po ay
lumaban sa
National Competition


Nagkamit po ako ng Silver Medal Kasama
ko sa larawang ito ang mga manlalaro
ng San Pablo Taekwondo Team sa pangunguna
ni Coach Elmer Gregorio
Bukod sa paglalaro ng
Taekwondo ako po ay mahilig din sa larong Motocross. Lumalahok din po ako sa
mga Invitational at National Competions. Masasabi ko na isa po ako sa mga
mapalad na kabataan sapagkat nabiyayaan po ako ng mga magulang na walang sawa
sa pagsuporta sa kanilang mga anak. Ako po bilang bata ay mahilig sa motorsiklo
at pag ako po ay nagkapamilya na ay gagawin ko rin pong halimabawa ang mga
magagandang bagay na nangyari sa aking buhay.


Kasama ko sa larawang ito
ang
Ready Get Set ….. mag-uumpisa na ang
aking mga
kapatid
kompetisyon


Apat kaming magkakapatid,
lahat ay mga lalaki. Ang panganay ay si Lean Arkie Abayon Jimenez. Sa
kasalukuyan, siya ay dalampung taong gulang (20) at magtatapos sa kolehiyo
ngayong darating na Abril. Siya ay isinilang noong ika-12 ng Hunyo 1992, sa
lugar ng aming Mommy, sa San Antonio, Northern Samar. May anak na ang aking
kuya Arkie, si Lean Dyiel. Siya ay walong buwan na. Napakapogi po ng aking
pamangkin. Ako ang pangalawa,
labing-anim (16) na taong gulang. Ang pangatlo ay si Vien Ardwin Abayon
Jimenez, labing-tatlong (13) taong gulang. Isinilang siya sa Northern Samar
Provincial Hospital noong ika-25 ng Agosto 1998. Siya ay nasa ikalawang antas
sa sekundarya sa Cawayan Integrated School, Catarman, Northern Samar. At ang
aming pang-apat at bunso ay si Erson Paul Abayon Jimenez, siyam (9) na taong
gulang at kasalukuyang nag-aaral sa ika-apat na baitang sa Cawayan Integrated
School, Catarman, Northern Samar. Siya ay isinilang noong ika-7 ng Mayo 2002.


Ito po ang larawan naming apat na
magkakapatid. Kasama namin dito ang aming mahal na ina at ang aming pinsan na
si Keith Gerald Jimenez Villanueva (nakasuot ng t-shirt na kulay pula). Ang mga
nasa larawan ay sina Erson Paul, Vien Ardwin, Don Luwi, Mommy Ann- Ann at Kuya
lean Arkie.


Ang aking ama ay si
Eleuterio Silva Jimenez, tubong San Pablo City, Laguna. Siya ay apatnapu at
limang (45) taong gulang. Isa siyang Civil Engineer. Nakapagtrabaho po siya sa iba’t ibang lugar sa
Gitnang Silangan; Al Hassa Hofuf, Dammam at Al Khobar. Ang Huling pinag
trabahuhan po ng aking ama ay sa bansang
Bahrain. Ang aking ina naman ay si Ana Maria Babylonia Abayon – Jimenez,
apatnapu at apat (44) na taong gulang. Sa kasalukuyan isa siyang guro sa
Cawayan Integrated School, Catarman, Northern Samar. Ayon po sa aking mga
magulang, sila ay nagkakilala noong sila ay pareho pang nag-aaral sa Maynila
noong sila ay nasa koleyiho pa. Si Mommy ay nag-aral sa Philippine Christian
University, sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management
(B.S.H.R.M.). Ang pangalawang kurso ng aking mommy ay Bachelor in Elementary
Education (B.E.Ed.) ay tinapos niya sa University of Eastern Philippines sa
University Town, Catarman, Northern Samar. Siya ay nagtapos na may karangalang
Cum Laude at nagawaran din siya ng Academic Excellence. Si Daddy naman ay sa Technological Institute
of Technology, sa kurso namang Bachelor of Science in Civil Engineering
(B.S.C.E.). Kahit nasa magkaiba silang mga paaralang pinapasukan, nagkakilala
pa rin sila dahil pareho sila na kasapi sa Alpha Phi Omega International
Fraternity and Sorority. Noong minsan daw na nagmiting ang kanilang fraternity
nasilayan ni Daddy ang ganda ni Mommy. Doon na nga po nag-umpisa ang kanilang
pagmamahalan na nagbunga ng apat na mga anak. Hindi po sila nagsasawa sa
pag-gabay at pagbibigay ng mga aral sa buhay sa aming apat na magkakapatid.




Lean Dyiel
Ate Queenie
Pinalaki po kami ng aming
mga magulang na disiplinado. May mataas at malaking paniniwala, paggalang at
takot sa Poong Maykapal. Magkaroon ng magandang kinabukasan. Simple lang po ang pangarap ko sa buhay. Pangarap
ko po na makatapos ng aking pag-aaral sa kolehiyo. Magkaroon ng maganda at
disente at maipagmalaking trabaho. Pagsisikapan ko pong lahat na ito para
makamit ko ang mga pangarap ko. Tutulungan ko din po ang aking mga magulang sa
pagpapa-aral sa aking dalawang kapatid. Kung papalarin po ako nais kong maging
matagumpay sa propesyon na pipiliin ko. At sa gabay na rin ng ating mahal na
Panginoong Hesus na walang sawa sa pagbabantay sa ating lahat.



Sa
ganitong paraan kami hinubog ng aming mga magulang…….
Ang sumamba at maniwala sa Diyos.
Dito ko na po muna
pansamantalang puputulin ang unang bahagi ng kuwento ng aking buhay. Dalangin
ko po nawa na magkikita pa tayo muli sa susunod na kabanata ng istoryang ito.
Maraming salamat po……………………...
____________ooo_____________
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento