Miyerkules, Marso 21, 2012

Ang Talambuhay ni Giselle B. Sepagan



Ako si Giselle Briñas Sepagan na nasa ikaapat na baitang sa Sekondaryo at Graduating sa paaraalng Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ang aking punong tagapayo ay si Ginoong Elmer Caimo Escala at ako ay labing-anim(16) na taong gulang na at ipinanganak noong Setyembre ika-25 ng taong 1995. Sa lugar ng Brgy. Sto Angel San Pablo City,Laguna.
Aking mga magulang ay sina Edna B. Sepagan at Orlando L. Sepagan at ako ay bunso at nag-iisang babae sa apat na magkakapatid.
Ako at mga kapatid ko na sina Glenn,Glayser at Gerry si ate Mabel at ang anak niya
 Kami ay sina Glenn B. Sepagan at Glayser B. Sepagan na kapwa may mga asawa’t anak  na puros mga babae at si Gerry B. Sepagan na nagpapaaral sakin at nakatapos ng kursong  Engineering sa Unibersidad ng Sto. Tomas(U.S.T) na ngayon ay nag-tatrabaho sa  Sunpower at siya din ang nagpapaaral sakin.
Kasal ng pinsan ko abay ako!
 Kilala ako ng mga kaibigan at pamilya ko bilang may pagkamadamot , medyo may pagkaisip-bata kung minsan , palakaibigan kaya madaming kakilala, may pagkamasiyahin, medyo matakaw ng sobrang takaw na parang wala ng bukas kung kumain ,mahilig sa music,mahilig maglaro ng online games tulad ng Idate,Left4Dead,Special Force at iba pa ,medyo mataray kung titingnan, may pagkamadaldal kung minsan kaya napapagalitan,mahilig kumanta pero hindi magaling kumanta,mahilig sumayaw pero hindi magaling sumayaw, maaasahan kung minsan,may pagkamakulit,minsan mabait,may pagkatamad/batugan sa bahay , laging go sa  galaan at higit sa lahat
ako ito nung Day Care(graduate ako nan)
 mapagmahal at maalalahanin(kung minsan nga lang) sa pamilya at kaibigan. Nag-aral ako ng Daycare sa N.H.A ng Sto.Angel at nag-Kinder at grumaduate ng elementarya sa Sto.Angel Elemtary School.



Pamangkin ko(Jhayce Ann & Marteena)










Me and My BestFriends(nung elementary)
Bago ako pumasok ng Kinder ay naaksidente ako at nagawa kong pangpreno ng bisekleta ang aking kaliwang paa sa kaya may peklat ako sa paa bigla na kong dinala ng ospital nina mama at daddy nang nakauwi na kami ay hindi ako makapaglakad  ang ginawa ko para makapaglakad ako ay yung parang nagpipiko at ilang araw ang dumaan ay gumaling ang paa ko pero may peklat na naiwan nang naggrade-one ako lagging pinapatawag ang aking mama tuwing awasan bago umuwi lagi daw kasi akong naggugupit ng mga papel at ang bababa ng mga periodical,quizzes at kahit activity at nakilala ko si Charilyn na nagging Bestfriend ko lagi kaming magkasama nun at nung 7th birthday ko niregaluhan ako ni Noe ng Horse Toy at si Tristan ay Digimon na Baso ng hanggang ngayon ay nasa akin parin , nung grade-two naman ako nakilala ko si Noelyn  na naging bestfriend ko din nung 8thbirthday niya pumunta kami ni mama kina Noelyn ayun nagustuhan naman niya ang regalo ko sa kanya at nung grade two din ako naaksidente biyernes nun bigla akong nahilo at tumama ang mukha ko sa pader gasgas lang man ang inabot ko eh at ginawa akong muse ng seksyong “B” na ang aking adviser ay si Ms. Lanuza , nung grade-three naman ako yan dyan na nagsimula ng ginagabi na ako ng uwi di lang naglalaro ako ng Chinese garter at 10-20 dahil tinutulungan kong magdala ng gamit ang akong adviser na si Mrs. De Guzman. Kaya kung minsan napapagalitan ako gawa nun, nung grade four naman nakilala ko si Mr. Justine Francis Pilar na nagging “crush” ko for almost three years  na naging kaklase ko sya kahit sandali.


Nung nasa grade five na ako nakilala ko sina Clarisse kung tawagin ay “Palad” mga tanghali noon naglalaro kami ng sipa-bola nuntg sumipa na si Armel tinamaan ako ng bola sa mukha sakto sa ilong talaga yung dugo ang inabot ko habang nagkaklase nakatingin ako sa taas para hindi daw lalong dumugo at nung nasa grade din ako nun sa sobrang kabaliwan,katangahan at wala sa pag-iisip nakagawa ako ng sulat para kay Justine at bigla ko yung naibigay sa kanya nang mabasa na niya yung binalik niya ito sa akin pero wala ako nun sa room gawa ng kumain kami ng mga kaibigan ko sa canteen ng highschool nang matapos na kami bumalik na kami sa room bigla akong tinawag ni Mam. Regulto at sinabi sa akin na “Ayus kung makakaroon ng crush kasi parte yan ng pagkadalaga o peer pressure pero dapat huwag pababayaan ang pag-aaral dapat itong maging inspirasyon  sayo ha Giselle,” ayan ang hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ng sinabi sa akin ni Mam.
Mga Bestfriends ko
Ako nung elementary(Grade 6 ako nan)
Nung nasa grade five ako at sa kasabay kong nag-aaral ang pinsan ko na si Mary Rose Sepagan at nasa grade six na siya nun at nung graduation ni Nangnang si mama ko ang maging guardian niya nung araw na iyo . Nung nasa grade six ako nakilala ko sina Shaira,Diane,Jasmin,Elimae,Jerrylyn, at si Clarisse kami lagi ang magkakasama kung saan-saan kahit medyo magkakatampuhan nagkakaayos din naman agad kami halos maglilimang taon na kaming magkakaibigan (ang tagal na pala) nakilala ko si Camille Magampon na bagong transferee sa Sto. Angel Elementary School kung saan ako pumasok siya ang nagging mortal kong kaayaw dahil sa sobrang kaartehan at sa sobrang kaingayan din tuwing magkikita o magkakausap kami pinaplastikan ko siya anyway  nung graduation day na naming noong Marso ng ika-26 ng taong 2007 kami ay nagkaiyakan na kaming magkakaibigan kasi magkakahiwa-hiwalan na kami (to the max parang babaha hehehe jowk) pero alam kong hindi yun ang huli naming magkakasama ng buo ng mga kaibigan ko. 


Si Jonathan "Anjon" Villanueva
Goodbye Elementary Hello Highschool dito ang maraming bago tulad ng mga bagong mukha sa enrolan,bagong mga kaaway, bagong mga kaibigan n adapt kilalanin, mga babagong crushes at mga bagong guro at dito na rin mararamdaman lahat ng una katulad ng unang magkakaroon ng boyfriend/girlfriend, unang pagkasawi sa pag-ibig, unang pag-iwan ng mga kaibigan sa ere at marami pang iba anyway nung nasa bayan kami ni Mama hindi ko alam kung saan ako ieenrol ni Mama ng Highschool ang alam ko ay sa amin sa Sto. Angel parin o kaya sa L.C. o Liceo o City High ayun pala sa Dizon syempre nagitla ako kasi ang daming estudyante nasa isip ko noon wala akong kakilala biglang lumapit sa akin si Nikka nagpakilala sa akin kung anu daw pangalan ko sabi ko ako si Giselle sabi niya naman siya naman si Nikka tinatanong sa akin kung anu daw seksyon ko sabi ko hindi ko pa alam eh parehas kami  hindi naming alam kung anung seksyon namin parehas hanggang sa maging magkaibigan na kami pero hindi nga lang kami naging magkaklase  ng nagsimula na ang klase nakilala ko si Jonathan Villanueva na nagging crush ko kasi ang bait-bait niya sa akin,ang cute/pogi nya kasi tapos laging siya ang nakakasagot ng lahat ng tanong ni Mam Ables punong tagapayo ko.
Nung nasa 1st year ako pero saglit ko lang siyang naging kaklase kasi naging College na siya agad gawa ng kumuha siya ng test para naging college siya agad siya ang hindi ko makakalimutan sa pagiging first year ko,nang nasa second year na ako nakilala ko si Renzon Diangkinay na nagging crush ko halos dalawa o tatlong taon na kasi ang bait niya,cute kasi tapos ang gwapo niya nung Shindig hindi ko siya nakilala nun ang gwapo kasi anyway kakatapos naming kumuha ng test nun pauwi na kami ng mga kaklase ko ng magkahiwa-hiwalay kami sa di sinasadyang pangyayari nabudol-budol ako at kinuha sa akin yung cellphone ko na nag-iisang taon palang sa akin yun ng ibinigay sa akin ni Mama yung cellphone na iyon mula noon nadala na ako na dapat ingatan ang mga bagay na ganun.



Ang Tri_zhone_13 mga tropa ko nung 3rd yr.
Nung nasa third year ako nabuo ang grupo o tropang tri_zhone na kami nina Michelle,Khatie,Julie,Laurena,Wency,Ernest,Janice,Ivan,Aira,Angela(kung kasali pa sila)at ako na isang taon at maglilimang buwan na sa Pebrero ng ika-13 nung unang anibersaryo namin nung Setyembre ng ika-13 ng taong 2010 sa di sinasadayang pangyayari ay nagkakaaway-ayaw ssa di pagkakaunawaan dahil isa sa amin ang napagkataas ang pride pero nagkaayos din naman kahit papaano at nung J.S prom isinayaw ako ni Renzon ako ang una at huli niyang isinayaw at siya naman ang panglima at last dance ko kahit po papaano naging masaya naman ang aking pagiging Juniors ko.


Ang aking adviser na si Elmer Caimo Escala
Sa University of the Philippine Los Baños
Pero nung matapos ang Division Meet nagkayayaan at nagpunta sa Sta.Felomina para magswimming sa bukal ng Balumbonghabang nagsiswimming ang mga kaibigan ko ay sa katangahan ko nadulas ako sa tabi nahulog  at nagdagasa iniligtas ako ng mga kaibigan ko at nung araw ding yon nawalan ng pera ang kasamahan naming at ako ang pinagbibintangan na kumuha pero sa totoo lang hindi ako ang kumuha nun ako na nga ang napahamak gagawin ko pa yun anyway ngayong fourth year na ako maraming masasaya,malulungkot at makakaaduwag karanasan ang naranasan ko tulad ng naging punong tagapayo ko na ginawa kaming tao(bakit?)dahil  pinag-aayos na kami ng sarili naming at nag-anytime na may oras kami nagbibiro si Sir Escala nung Christmas Party namin nasa school ako nun nagtext si Mama na pumunta daw ako sa ospital at bantayan ko daw ang kapatid ko si Kuya Boy yung nagpapaaral sa akin. At nung Fieldtrip ang saya kasi kahit basang-basa na ng tubig sa Rio De Grande tuyo naman sa Space Shuttle kahit medyo nakakasuka paos ako kakasigaw nun ai(nabingi si Raymond haha).
Fieldtrip in Tagaytay


Ang Wilab'sx mga tropa ko ngayong 4th yr.
 Ang  aking pangarap na  guisto kong matupad ay makatapos ng pag-aaral nakagraduate at makahanap ng magandang trabaho para matulungan ko  ang pamilya ko para masuklian ko sila sa pagpapaaral,paapapalaki at binuhay nila ako kahit na iinis ako kay Mama gusto gumanda ang buhay ng mga magulang ko at dyan nag tatapos ang aking talambuhay sana masayahan ka sa pag basa ng talambuhay ko.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento