Ako ay si John Darell A. Alimagno. pinanganak noong ika-6 ng Marso taong 1996.Ako ay 16 taong gulang. Nagaaral ako sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High school at nagaral ng elementarya sa Placido Escudero Memorial School sa bayan ng Sta.Elena kung saan ako nakatira. Ako ay 4th year high school na ngayon at naging maayos naman ang pagaaral ko.Kami ay apat na magkakapatid,pangatlo ako ako sa amin.Ang panganay ay si Lady Suzette Alimagno, ang pangalawa naman ay si Princess Jade alimagno at ang bunso naman ay si Niel Henry.Ang ate ko na panganay ay tumigil muna sa pagaaral dahil sa hindi na kinayang suportahan ng nanay at tatay ko pangkolehiyo nito kaya ngayon ay nagtatrabaho siya s Sta.Rosa sa isang kainan .
Ang pangalawa naman ay nagaapply na rin para magtrabaho.Ang aking ama naman ay si Edmundo Alimagno isang mazon sapat lamang ang kinikita niya pra sa amin kaya kung minsan ay hindi na lamang ako nagsasasama sa mga camping o kaya ay pagtitipon na kinakailangan ng malaking halaga.Ang aking ina naman ay si Irene Alimagno nawalan na siya ng trabaho noong ako ay grade 5 pa lamang.Nagsarado kasi yung pinagtatrabahuhan niyang factory kaya ngayon siya ay nasa bahay ma lamang .Sa Sta.Elena ay maayos kaming namumuhay.Maliit lamang ang aming bahay at ang lupa na kinanatatayuan ng aming bahay ay sa aming lolo na pinamana sa aming ama.Lampas ng sampung taon na kami sa aming bahay.Wala na akong lolo at lola dahil patay na ang mga magulang ni tatay at nanay .Noong bata pa ako ay ipinaampon ng nanay ko ko si Niel Henry ang aking kapatid sa aking tita dahil wala pa itong anak ,doon na siya lumaki pero tinuturing nya rin kaming tunay na pamilya siya ay gagraduate na ng elementarya sa San Pablo Collages.Pinaampon niya si niel dahil alam niyang mas magiging maganda angkanyang buhay at mas maiibibigay sa kanya ang gusto niya .Minsan ay binibisita namin siya sa kanilang bahay.

Kahit noong bata pa ako ay mahilig na ako sa musika at madalas akong makinig dito.Hangang sa napagisipan kong magaral na gumamit ng instrumento .Napili ko ang paggigitara.Halos hindi ko na bitawan ang gitara paghawak ko ito.Nakagawian ko na itong pangpalipas ng oras,kung minsan naman pag wala akong magawa sa amin ay nalabas ako ng bahay at natambay sa bahay ng aking kabarkada at doon kami nagkekwentuhan.Dito naman sa school ay marami rin akong naging kaibigan.Nagbuo kami ng isang banda,nakakatugtog din naman kami sa school kapag may concert .Matagal ko ng pangarap ang makatugtog sa stage sa harap ng maraming tao at awa naman ng diyos ay natupad din ito.Ako ay nabibilang sa seksyong Galilei.Ang aming tagapayo ay si Mr.Elmer Escala siya ay magaling at mabait na guro siya ay totoong tinatawag na advicer dahil lahat ng sinssabi niya ay tama at para rin mapaunlad ang aming sarili.
Madalas paguwi ko galing eskwela ay nagbabasa ako ng kwento sa libro o kayay sa diyaryo.Pero pagtungkol na sa aralin ay tinatamad na akong magbasa.Kaya naman baka mapalang pa ng aking pagtatapos dahil sa mayroon ako dalawang
mahirap ang aming buhay.Naibibigay pa niya ang aming gusto,kaso nga lang ay nagsarado na iyon at inilipat sa davao.Hindi na sumama ang nanay ko doon dahil masyadong malayo at mapapalayo siya sa amin.Dahil doon si tatay lamang ang kasama namin.May trabaho din si tatay kaya pagdating ko sa bahay galing school ng alaskwatro ay magisa lang ako sa amin dahil ang dating pa ni tatay ay als singko.Natatakot din si nanay dahil walang gagabay sa amin dahil sa may trabaho din si tatay.Ngayon ay samasama kami kaso ay mahirap ang buhay dahil si tatay lamang ang nakayod.Ang ate ko namang panganay ay hindi naman natulong kina tatay at nanay at pansarili lamang ang iniisip.Nagkanda utangutang sila nanay dahil nagkasakit ang ate kong panganay kaya lagi akong absent noon sa klase kase walang pamasahe kasi uunahin siya at ang kanyang gamot.Gumaling na siya at nagtatrabaho kailangan niya ng perang pang apply noon kaya ang ibang pera na kinita ko sa pagsama sa tatay ko ay naibigay na sa kanya.Hindi naman ako galit sa kanya sana lang ay tulunagn niya ang maga magulang namin dahil siya ang panganay.
ayu mabait parin siya sa akin.Lagi siyangmay pasalubong sa akin galing eskwela.Ngayon ay nagaapply na siya ng trabaho sa iasang kompanya.Dahil napatigil din siya ng pagaaral.Sabi niya ay pagnakapagtrabaho siya ay pagaaralin niya ako.Pagnakatapos ako ay si ate Jade ko naman ang aking pagaaralin at tutulungan ko sina nanay at tatay.Patitigilin ko na si tatay sa paghahanapbuhay at ipagtatayo ko sila ng magandang bahay.Dahil naghirap sila para maitaguyod kami kaya tama lamang na pagnakatapos na kami at may kaya na sa buhay ay dapat sila naman ang aming paglingkuran .Iaalis ko na sila sa masikip na lugar na tinitirhan namin ngayon.Pati narin ang mga kamaganak namin ay tutulungan ko.Maswerte ako at napunta ko at napunta ako sa isang mabuting pamilya at hindi ako pinababayaan.Hindi katulad ng ibang bata na walang bahay at hinahayaang palabuylaboy sa lansangan.Kaya malaki ang aking pasasalamat at napunta ako sa mabuti na pamilya.Kahit pagod na si tatay sa trabaho ay tuloy parin siya kahit matanda.Kaya sabi ko sa kanya ay malapit na akong makapagtrabaho at titigil na siya sa pagtatrabaho at ako na lamang ang magtatrabaho para sa kanila.Matanda na sina nanayat tatay.Kaya dapat sila ay nagpapahinga na lamang sa bahay.Marami akonhg pangarap sa kanila.Sana ay nandyan pa sila habang tinutupad ko isa isa ang mag pangarap ko para sa kanila kahit mahilig maglasing si tatay ay hindi niya kami sinsaktan katulad ng ibang ama ns nangbubugbog ng anak.Hindi niya nga kamo pinagbubuhatan ng kamay kahit mali ang aming ginagawa.Mahal na mahal ko ang aking pamilya kaya akoy nagsisikap para sa kanila.




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento